Saturday, March 6, 2010

:Saling-Pusa:


Day 26 at Life Change Recovery Center: "Attend to Yourself Part 2" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 26 at Life Change Recovery Center: "Meditative Walk: I Gotta Feeling. ;p
Ika- 03 ng Marso 2010 (Miyerkules) 

Late ako today dahil sinasadya kong magpa-late. Hehehe. Pero syempre mas maaga sa call time na sinabi ni Sir para sa Meditative Walk namin with MS.Mona. Hehehe. Excited ako kasi I'm curious and also excited sa mga magaganap this morning. So before ng session namin with Ms. Mona, Laura and I were assigned to help Ms. Mona sa paglalagay ng lines para sa activity. Then, together with K. (isa sa mga na-discharged ng resident) inorient muna kami ni Ms.Mona ng gagawin,so kami naman subok muna. At first, medyo naiilang ako at hindi maka-concentrate dahil nga maingay at mainit din sa labas.Pero ng marami na kami mas at ease na akong gawin yun. 

Before namin gawin ang Walking Meditation , we first had an orientation with Ms. Mona sa FT room, diniscuss niya yung about sa meditation, yung common forms ng meditation na ituturo niya, yung sitting and walking meditation. Then, sinabi niya sa amin, na habang ginagawa iyon dapat naming i-focus ang aming mind sa 5 areas: Crown, Forehead, Face, Heart, and Belly. Ang Crown para dawmas malapit ang relation kay God, and Forehead for intelligence, and Face sensitivity, Heart for interpersonal relationships, and Belly is for Strength. So, during the actually session, I focused my mind on my Face and Forehead. Grabe, I felt dizzy and masakit ang ulo ko ng mag-concentrate ako forehead ko. Promise. Pero pagdating naman sa face ko wala aking na-feel na tension o anything, basta I felt light habang naka-focus sa face ko. 

During the sitting meditation naman, na-enjoy ko din ito and yung nga lang mas naka-pagconcetrate ako sa Walking Meditation. Sa loob kasi ng FT room at maririninig mo yung tunog ng aerobics kaya medyo nadisturbed lang ako.. Pero after the session, wow that was Superb experience. Hindi ko alam ah, pero for me gumaan ang pakiramdam ko. I gotta feeling talaga. Hehehe. :)

Obviously, halatang iba yung mood naming lahat before we entered the session hall for the PM activity eh. Sa tingin ko, nakatulong sa aming lahat yung walk-walk meditation ni Ms. Mona. Ang ginawa namin in the afternoon, ay art activity, isang Forgiveness card para sa mga taong nakagawa ng kasalanan sa kanila. Hugis kamay ito at pag, finold nila parang nag-pa-pray. Bawat table ay may assigned practicumer. Masaya ako dahil nakausap ko si Tinker Bell ngayon. In fairness to her responsive siya, yun nga lang napakatipid ng words ng batang iyon. Its nice to hear yung tawa niya at yung boses niya. Bibihira ko kasi siyang marinig magsalita eh at saka tumawa. At magaling talaga sa art itong batang ito. Samantala, si Ate L. naman, napansin kong siya yung tipo na hindi confident sa magiging resulta ng gagawin niya, kumbaga may hesitation siya sa sarili niya. Gaya, halimbawa ng card na gawa niya, inulit pa niya iyon uli dahil daw pangit yung una niyang gawa at saka yung 1st card niya matagal pa niyang pinag-isipan kung paano at ano ang gagawin niya. 

After the residents were done in their forgiveness card, pinakanta namin yung community song na Forgiven. And then, after four rounds of singing its time for us to go na..

   
Ginabi kami today dahil kailangang tapusin ang interpretation ng tests ng mga applicants. Nakakapagod yet magaan pa din ang pakiramdam ko sa pagtatapos ng araw na ito. :)



:Saling-Pusa:


Day 25 at Life Change Recovery Center: "Forgiveness" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 25 at Life Change Recovery Center: "Attend to Yourself!"
Ika- 01 ng Marso 2010 (Lunes) 

Uyyy.. Unang buwan ng Marso ngayon, summer na at malapit na rin ang graduation. Masaya ako dahil kahit may one week suspension ako, eh makakapag-whole day na din ako sa LCRC. Hehehe. Marami kasi akong ginawang kung anu-ano noong weekends to overcome yung nangyari noong nakaraang linggo. So ngayon medyo light na ang pakiramdam ko at saktong- sakto pa sa tema na Forgiveness. 

Dahil nga parang medyo heavy ang theme na ito sabi ni Sir dapat daw light activity muna para sa morning session, yung medyo motor activity na kung saan gagalaw ang kanilang katawan. So, ang main activity namin ay yung parang Picture Perfect din, pero ang gagawin magpapakita ng scenes about Forgiveness then hindi gagalaw. Ako at si Daisy ang napunta sa Group 1, ang mga residents na ka-group namin ay sina Kuya E., M., M., medyo nahirapan kami ni Daisy dahil napunta sa aming grupo ay ang mga residents na hindi active. Hindi sila nagbibigay ng suhestiyon man lang, most of the time si Kuya E. ang nagsasalita, at masasabi kong siya ang halos tumayong leader ng Group 1.But napansin kong si Kuya E. ay may pagka-negative, dahil kapag may naiisip yung iba niyang ka-group na eksena pero parang mahirap i-portray sasabihin niya gad na mahirap iyon at hindi na niya susubukan, kumbaga madali siyang mag-give up. Even before pa napapansin ko na yun sa kanya eh, sana lang mabago yung ugali niyang ganum. 

But the activity was fun, dahil hindi ko akalaing mananalo pa ang group namin. Im proud of them dahil most of the scenes we depicted ay galing sa mga residents. :)

Nakakalungkot dahil I was not able to go inside para sa afternoon session. Ako kasi ang nag-admin work in the PM at nagpa-administer ng tests sa isang applicant. Im so sad. :( Pero okay lang nakapagpa-test naman ako. 

After the Pm session, may meeting uli with our practicum supervisor. Late na ako for the meeting dahil ang tagal magsagot ng applicant kaya tuloy hindi ko naumpisahan ang mga napagusapan nila. But all throughout our conversation, na-realize ko na its nice to know na may mga taong handang makinig sa'yo at ikaw mismo bilang future psychologist ay may mga sariling problema na kinakailangan ding i-resolve. I agree with sir na we also have to attend to ourselves dahil paano mo nga naman tutulungan yung kapwa mo kung ikaw sa sarili mo ay may conflicts hindi ba?? Kaya dapat ding alagaan ang ating mga sarili at maglaan ng panahon kung feeling burned-out o stressed na.. :)



:Saling-Pusa:


Day 24 at Life Change Recovery Center: "2nd Culminating Activity!"   

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 24 at Life Change Recovery Center: "It's Complicated!"
Ika- 26 ng Pebrero 2010 (Biyernes) 

Half-day ako today sa LCRC. Im not in good mood today dahil umaga pa lang cry-cry na ako.. I had one-week suspension sa isa ko pang practicum ng dahil sa susi but actually napakahabang kwento. :( I really felt bad dahil sa nangyari and para mawala ito ay joined may gurlfrends para sa culminating activity this afternoon. Kahit na wala ako sa mood, I tried to smile and enjoyed the activity.
Medyo nakakawindang ang araw na ito dahil di mo aakaling lalabas na si W. he was discharged against medical advice and at the same time it was Kuya P.'s send-off and birthday celebration na din. 

Medyo nakakalungkot but of course masaya din dahil its time for him to go back na sa pamilya niya at sa tingin ko makakatulong din iyon para kay W. Si W. para sa akin, ay ang isa sa mga pinaka-nakakatuwang resident. Natuwa lang ako sa kanya dahil nakakapagsalita siya ng ibang language lalo na nung andun pa sila LALA at nag-uusap sila in Chinese. Tapos yung mga mannerisms din niya na uupo doon sa isang sulok malapit sa mga mesa, at kapag mga 11:30 am na pag malapit ng magtapos ang session magtatanong siya kung 'Lunch na ba' tapos pag gutom na siya, ibababa na niya yung mesa na minsan ay nakaka-disturb sa morning activity. Ilan pa sa mga naalala ko sa kanya ay yung pag nagagalit ay mahilig magmura, tapos ay yung pagiging magalang niya at yung minsang magtatanong kay Sir tapos bigla na lang sasabihn ' Ah, okay. Salamat Sir'. Hehehe. 

On a lighter note, it was Kuya P's send-off and birthday celebration, practicum students from Letran and PUP present something and also yung mga residents. Sa mga residents ay yung 'Batang-Bata ka pa', s Letran ay yung 'Ang Bawat Bata' at sa amin PUP ay yung 'Seewt Child of Mine'. Hindi na ako sumali sa kanila dahil hindi ako naka-pagpractice. 

Naging maayos naman ang program at kahit na batid mo ang kalungkutan para sa ibang mga residents dahil may aalis na naman para kay Kuya P. ay isang masayang araw ito. Halata sa mukha niya na he was really happy ganoon din ang pamilya niya. Sabi ng mother ni kuya P. nakita niya raw ang progress kay kuya P. yung pagbabago sa ugali ni Kuya P., And I think it was very significant, dahil yung goal ng Life change, to help an individual to change ay nagawa nila kay Kuya P. And sana nga, tuloy-tuloy na ang pag-recover niya at ganoon din si W.


 

Salamat sa pansit at juice na dala ng family ni Kuya P. At thanks to my gurlfrends, I really appreciate your chocolates and words of encouragement. hehehe. :)

 
 

:Saling-Pusa:


Day 23 at Life Change Recovery Center: "Worship Day!" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 23 at Life Change Recovery Center: "I need positive energy!"
Ika- 25 ng Pebrero 2010 (Huwebes) 

I am so depressed today kaya pumasok ako ngayon sa worship day because I needed some enlightenment.. Pastor Paul gave a very meaningful message today and it is related sa healing the inner child. What I learned from Pastor Paul ay yung process of healing the inner child within ourselves and he said that we must: ALLOW, ACCEPT, UNDERSTAND , and LET GO.  

Sabi niya we must allow those painful memories na alalahanin uli pati yung feelings na kasama nun, then you must accept the fact na nangyari na iyon eh, kung anuman yung naidulot ng pangyayari sa'yo you must accept and understand na you also allow that situation hurt you and kung anuman yung nangyari kailangang tanggapin at unawain ang mga aral na maaring makuha mula sa pangyayaring iyon. After that acceptance and understanding learn to let go. This might not be easy, pero habang nakakulong kasi tayo sa mga painful experiences nayun, sa galit o sa sama ng loob from our past tayo pa din ang mukhang talunan eh. Sabi nga 'No one can hurt you unless you allow other people to hurt you.'

Kung forever tayong mag-dedwell sa past, life becomes too complicated for us. Hindi ba??


And also, "There are no bad guys, only wounded souls.."


Sa tingin ko naman na-enlightened ako this morning.. and naka-absorb ng positive energy. ;P

:Saling-Pusa:


Day 22 at Life Change Recovery Center: "Healing the Inner Child" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 22 at Life Change Recovery Center: "Toys are meant to broken??"
Ika- 22 ng Pebrero 2010 (Monday)


Dahil most of my gurlfrends were done in their practicum hours, ngayong araw na ito ay anim lang kami, si Haha, Daisy, Bethel, Laura, Dana at ako.. wala si Calla at Rio. Medyo nahirapan kaming magisip at pumili ng SLE na gagamitin para sa theme na 'Healing the Inner Child' because we realized na habang tumatagal parang nagiging mas malalim at mas nagiging seryoso ang mga theme for the residents. Daisy and I facilitated the main activity, si Daisy ang nagbigay ng instructions and ako ang nag-process. 

Sa timeline activity na ginawa ni Daisy, they were asked to list yung painful experiences nila during their childhood. Habang ginagawa ito, mayroon kaming mga kanya-kanyang assigned tables and yung residents sa table ko ay sina Ate L., W., and J. ( a new resident). Its really hard na palabasin yung emotions na ganoon sa kanila and parang kapag inalala nila yung memories nila parang babalik yung pain na yun eh. And during the processing part, natakot talaga ako na baka may bigla akong ma-open na something sa kanila, emotions na can make them sad or too emotional at that moment. Natakot talaga ako. Thank God wala naman. But what really struck me was Kuya J.'s answer na 'Toys are meant to be Broken' daw, medyo nadulas ako 'coz I said na I disagree with him, which is improper kapag nag-pa-process ng activity. The residents shared some of their experiences and yung kaakibat feelings nila when that happened. Some answered na may mga physical na sakit lang gaya ng pagkakapako ng paa, mayroon naman na sobrang nahiya sa kanyang experience. And pano nila ni-resolved yun?? They said na inaalam nila kung bakit nangyari iyon at sa tulong na rin ng pagdadasal. 

Sa totoo lang, I really felt na I was not able to process it well dahil natakot akong baka hindi ko ma-handle kung sakali mang may lumabas na mabigat na emosyon mula sa mga residents. :)

*Na-realize ko lang din from this experience ay yung sinabi ni kuya J. na 'Toys are meant to broken?? ', para sa akin I really disagree with this. Pero may punto rin naman siya, na sometimes, at one point in our lives, tulad tayo ng mga laruan, dumarating sa punto na parang sirang-sira na, useless, walang kwenta, hiwa-hiwalay na ang mga bahagi, isang kalat na lamang. Ang isang tao kapag nasaktan siya, kapag nakaramdam siya na tila ba ang bigat ng problemang dinadala niya, pakiramdam niya ay parang wala ng pag-asa ang buhay, wala ng silbi sa mundo, o para bang paralisado na at hindi na makakilos pa. At dahil doon, iniisip natin, iniisip ng mga tao, na dapat lamang na tuluyang sirain ang kanilang mga sarili na nagiging sanhi upang mag-resort into something para makapag-cope up, gaya ng pag-kadepressed at tuluyan ng mawala sa sarili o kaya naman ay sa pag-dadrugs..


Kung magkagayunman, na tayo ay mga laruan gugustuhin mo bang maging isang sirang laruan na lamang?


Kung ako ang iyong tatanungin, It's a BIG NO.NO. NO for me. Ayokong maging isang sirang laruan. Hindi tayo dapat maging isang laruan na itinadhana para lamang sirain ng iba at patuloy pang sirain ang ating mga sarili. Each of us has the power to fix ourselves. Kung nararamdaman mong parang wala ka ng magawa sa buhay mo,useless, or alone in your journey, then start to fix yourself. Seek help. Kung tila hindi mo kayang mag-isa humingi ka ng tulong mula sa kapamilya mo, kaibigan, sa Diyos o sakahit na sino na pwede kang makahingi ng mabuting payo, its for you/us to regain strength, upang maging buo uli, makapagnilaynilay, upang maging isang magandang laruan muli na nagbibigay saya at sigla sa mga taong nakapaligid sa atin . :)

  
 


 

:Saling-Pusa:


Day 21 at Life Change Recovery Center: "Ash WednesdayFounded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com

Day 21 at Life Change Recovery Center: "Q. joined the Aerobics Session"

Ika- 17 ng Pebrero 2010 (Miyerkules)



Today is Ash Wednesday. Sinasadya ko talagang magpa-late dahil umatend pa ako ng misa sa Sacred Heart Parish Church. So, nang dumating ako, naabutan ko ang mga residents na nag-outdoor activity, actually almost patapos na nga sila, and also some students from St. Mary's were also present. Nang dumating ako, parang ganoon pa din,may mga hindi talaga active at tila ayaw mag-exercise, kung sino lang yung resident na laging active at madalas na makipag-interact sa mga students eh sila pa din yung mapapansin mo.


 

During the aerobics session, one person that I observed was Q. Sa totoo lang, nagulat ako when I saw him joining the other residents na mag-aerobics, humiga sa mat, mag-lying leg curl at mag-push-ups. Very rare and honestly never ko pa talagang nakitang mag-exercise si Q. since we started our practicum here. Ito yung first time kong makita siya na mag-aerobics. Nakakatuwa lang ng makita siyang nag-participate. ;)


 


 

:Saling-Pusa:


Day 20 at Life Change Recovery Center: "Life Mapping"

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com



Day 20 at Life Change Recovery Center: "Amnesia???"

Ika- 15 ng Pebrero 2010 (Lunes)

Hala!.. What's happening to me??? Dahil ang tagal kong hindi nakapag-blog at hindi ko din naisulat sa aking journal notebook ang mga nangyari sa akin sobrang hindi ko talaga maalala ang mga naganap sa araw na ito.. Salamat sa mga gurlfrends kong mayroon ng blog entry, hehehe. It helped me recall the activities we did in the morning session. :)

So, this day, and since Monday ito, we introduced a new theme at ito nga ay 'Life Mapping'.. Medyo nahirapan kaming magisip ng activity at dahil na rin siguro may hang-over pa sa Valentine's Party. We decided na i-facilitate ang 'Dotty drawing', since ito nga ay tungkol sa life mapping, it tackles na rin yung purpose mo sa buhay at yung mga goals na gusto mong ma-achieve. Si Calla yata ang nag-facilitate nito eh.. And as far as I can remember , I was assigned sa table ni W. and R.

I noticed na medyo iba yung mga sinusulat ni R. parati niyang kinukwento yung tungkol sa kanyang religion, basta he was not in his normal state of mind while doing the activity, puro flight of ideas lang.. Throughout the session, may mga residents namang nakapag-share ng kanilang mga goals sa buhay nila and sana matupad nga nila ito. ;)