Saturday, March 6, 2010

:Saling-Pusa:


Day 22 at Life Change Recovery Center: "Healing the Inner Child" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 22 at Life Change Recovery Center: "Toys are meant to broken??"
Ika- 22 ng Pebrero 2010 (Monday)


Dahil most of my gurlfrends were done in their practicum hours, ngayong araw na ito ay anim lang kami, si Haha, Daisy, Bethel, Laura, Dana at ako.. wala si Calla at Rio. Medyo nahirapan kaming magisip at pumili ng SLE na gagamitin para sa theme na 'Healing the Inner Child' because we realized na habang tumatagal parang nagiging mas malalim at mas nagiging seryoso ang mga theme for the residents. Daisy and I facilitated the main activity, si Daisy ang nagbigay ng instructions and ako ang nag-process. 

Sa timeline activity na ginawa ni Daisy, they were asked to list yung painful experiences nila during their childhood. Habang ginagawa ito, mayroon kaming mga kanya-kanyang assigned tables and yung residents sa table ko ay sina Ate L., W., and J. ( a new resident). Its really hard na palabasin yung emotions na ganoon sa kanila and parang kapag inalala nila yung memories nila parang babalik yung pain na yun eh. And during the processing part, natakot talaga ako na baka may bigla akong ma-open na something sa kanila, emotions na can make them sad or too emotional at that moment. Natakot talaga ako. Thank God wala naman. But what really struck me was Kuya J.'s answer na 'Toys are meant to be Broken' daw, medyo nadulas ako 'coz I said na I disagree with him, which is improper kapag nag-pa-process ng activity. The residents shared some of their experiences and yung kaakibat feelings nila when that happened. Some answered na may mga physical na sakit lang gaya ng pagkakapako ng paa, mayroon naman na sobrang nahiya sa kanyang experience. And pano nila ni-resolved yun?? They said na inaalam nila kung bakit nangyari iyon at sa tulong na rin ng pagdadasal. 

Sa totoo lang, I really felt na I was not able to process it well dahil natakot akong baka hindi ko ma-handle kung sakali mang may lumabas na mabigat na emosyon mula sa mga residents. :)

*Na-realize ko lang din from this experience ay yung sinabi ni kuya J. na 'Toys are meant to broken?? ', para sa akin I really disagree with this. Pero may punto rin naman siya, na sometimes, at one point in our lives, tulad tayo ng mga laruan, dumarating sa punto na parang sirang-sira na, useless, walang kwenta, hiwa-hiwalay na ang mga bahagi, isang kalat na lamang. Ang isang tao kapag nasaktan siya, kapag nakaramdam siya na tila ba ang bigat ng problemang dinadala niya, pakiramdam niya ay parang wala ng pag-asa ang buhay, wala ng silbi sa mundo, o para bang paralisado na at hindi na makakilos pa. At dahil doon, iniisip natin, iniisip ng mga tao, na dapat lamang na tuluyang sirain ang kanilang mga sarili na nagiging sanhi upang mag-resort into something para makapag-cope up, gaya ng pag-kadepressed at tuluyan ng mawala sa sarili o kaya naman ay sa pag-dadrugs..


Kung magkagayunman, na tayo ay mga laruan gugustuhin mo bang maging isang sirang laruan na lamang?


Kung ako ang iyong tatanungin, It's a BIG NO.NO. NO for me. Ayokong maging isang sirang laruan. Hindi tayo dapat maging isang laruan na itinadhana para lamang sirain ng iba at patuloy pang sirain ang ating mga sarili. Each of us has the power to fix ourselves. Kung nararamdaman mong parang wala ka ng magawa sa buhay mo,useless, or alone in your journey, then start to fix yourself. Seek help. Kung tila hindi mo kayang mag-isa humingi ka ng tulong mula sa kapamilya mo, kaibigan, sa Diyos o sakahit na sino na pwede kang makahingi ng mabuting payo, its for you/us to regain strength, upang maging buo uli, makapagnilaynilay, upang maging isang magandang laruan muli na nagbibigay saya at sigla sa mga taong nakapaligid sa atin . :)

  
 


 

No comments:

Post a Comment