Day 18 at Life Change Recovery Center: "Enhancing Spirituality"
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com
Day 18 at Life Change Recovery Center: "1st Culminating Activity"
Ika- 05 ng Pebrero 2010 (Biyernes)Friday. Nakakatuwa na wala kaming Physics class today. Ako, I have to go to PUP para sa classcards namin and para mag-lib sana sa NALRC, kaso dadating daw si Eddie Villanueva kaya hindi nagpapapasok ng mga estudyante. Dahil doon napagdesisyunan kong hanapin na lang ang aking mga gurlfrends para sa presentation namin sa Culminating Activity ngayong araw na ito sa LCRC.
Mabilisan ang aming practice ng ' O For A THOUSAND TONGUES' dahil may meeting ng 1pm para sa Feb. 12. party…
So pinilit talaga naming makapagpresent dahil nga ito ang first Culminating Activity na aatend kami..
When we arrived sa LCRC nakita namin ang mga UE students and naghahanda sila para sa activity ngayong hapon. Nandoon din si Kuya Marlon at Buddjhie. Tapos mineet na kami ni Sir Al at pinagusapan na ang flow ng program mula sa costumes, design ng stage, sound system atbp. Isa - isa ding nagpakilala kung sinong mga characters ang aming ipo-portray. At nag-assigned din ng mga magiging point person para sa activity na iyon.
Naging maayos ang pagdedesignate ng mga tasks at sana maging maganda ang kalabasan ng araw na iyon. :)
***
During the Culminating activity, hindi ko talaga makakalimutan yung mga testimonials ng mga residents. Para sa akin yun talaga yung highlight ng porgram eh. Nang magsalita si Ate L. sabi niya pangalawang beses na daw niyang pasok iyon sa Life Change and kailangan daw niya kasing magrest muna, dahil pakiramdam niya ay umiikot na naman ang buhay niya sa mga problema. Ang maganda sa sinabi niya ay alam niya kung sino ang gagabay sa kanya at may Diyos na handang dumamay. Dahil first time kong makita si ate l. at ito ay pang-2nd time na pala niya, humanga lang ako sa kanya dahil for some, siguro hindi na uli sila magpapasok sa mga ganoong center. Pero siya alam niyang kailangan na naman uli niya ng tulong, and siguro to have time for herself din.
Si R. naman, ngayon ko lang siya narinig magsalita ng matagal at magsalita in front. Sabi nga niya hindi daw siya talaga sanay magsalita sa harap ng maraming tao kaya isinulat na lang niya. Para sa kanya nag-iiba yung pakiramdam niya kapag nag-ba-bible study sila at magkakasama silang natuto ng salita ng Diyos. Nagpasalamt din siya kay K. dahil kapag binabasa niya daw yung daily bread, parang na-e-enlighten siya. Kahit na hindi niya ganoon naipaliwanag lahat ng mga sinabi niya you can get the message na parang muli siyang nabubuhayan ng loob sa tulong ng mga kasam niya at sa salita ng Diyos.
Tamang-tama lang yung quote for the week na 'Faith without action is DEAD'… Kahit na malakas ang pananalig mo sa Panginoon pero hindi ka naman kumikilos at naghihintay ka lang sa mga biyayang darating, wala ring mangyayari sa mga ipinnagdarasal mo sa Panginoo. Kailangan kumilos din tayo kung nais natin ng isang maayos na buhay. :)