Day 16 at Life Change Recovery Center: "Enhancing Spirituality"
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com
Day 16 at Life Change Recovery Center: "Quiet Time.."
Ika- 01 ng Pebrero 2010 (Lunes)*After ng isang nakaka-depressed na midterm score sa pHysics namin, kailangan kung mag-move forward at mag-ipon ng strength para sa linggong ito. Umagang Kay Ganda pa din at napag-isip isip kong kailngan ko na talagang mag-aral sa Physics, pero hayy.. Na-dedepressed talaga ako kapag naaalala ko yung exam namin. :(
Despite that feelings of frustration and disappointment, maganda ang gising ko ngayong araw na ito. Maaga akong nagising ngayong araw na ito, 6am pa lang gising na ako, tapos umalis ako sa bahay namin ng 7:20am at nakarating ng 7:52 am sa LCRC. Early bird ako today at nakabawi ako sa 1minute na late. Hehehe.
Actually, I don't have any idea sa mga magaganap ngayong araw na ito. Emo-emo nga ako ngayon at parang feeling ko lang na hindi masyadong maging active at hindi masyadong magsalita. Wala lang parang I just want to have a quiet time for myself. Hindi ko din alam pero basta parang ganoon lang gusto ko lang manahimik muna.
Ang theme namin for this week ay enhancing spirituality and si Laura ang point person for this week. Sabi niya na may short program daw today, dahil may isang Psychologist from UK ang magiging bisita ng Life Change for two weeks. So, pinagusapan namin ay yung sa magiging program, 'Opening Prayer', 'Welcome Remarks' at isang 'Welcome Song: Kumusta Ka?' para kay Peter. Naging maayos naman ang program na iyon at very participative naman ang lahat especially sa welcome song na Kumusta Ka. Na-overwhelmed si Peter dahil sa pag-welcome sa kanya ng Life Change. And we Filipinos are known naman talaga for being nice and hospitable. Sana he will enjoy his stay here in the Philippines at saka sa pagiging bahagi ng Life Change. After the short program, isang energizer ang ginawa namin - Pinoy Henyo. Napag-alaman ko na ito ang isa sa mga favorite na laro ng mga residents, at para maiba sa usual na Pinoy Henyo mayroong twist na ginawa. Gamit ang ilang dayalekto, ang pagsasabi ng OO, Hindi at Pwede ay sa salitang Pampamgeno at Ilokano. Gusto talaga ito ng mga residents at sa tingin ko naman na enjoy nila ito. Yun nga lang wala na kaming oras dahil pinatawag na kami for the meeting.
Sinabi ng aming practicum supervisor na he is not comfortable na palagi kaming nag-ka-cram sa mga activities. At dahil doon nakakalimutan namin ang mga malilit na bagay. Though he commended us for good execution ng mga activities still hindi pa din daw maganda na parati kaming mag-cram. :( Next time no, no, no more cramming!
No comments:
Post a Comment