Saturday, January 23, 2010

:Saling-Pusa:

Day 10 at Life Change Recovery Center: "Living in the Here and Now"
 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Ika- 11 ng Enero 2010 (Monday)

Everyday I am looking forward sa mga bagay na pwedeng mangyari sa akin sa maghapong darating. At ngayong araw na ito, I'm excited. Bakit? Honestly, hindi ko din alam. Pero siguro dahil nakatulog ako ng mahimbing noong weekends at bertdey ko last Saturday. Yepee.nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko..

Anyway, for this week's theme, Living in the Here and Now, isang magandang topic ito at alam kong lahat kami ay naghanda ng SLE para sa linggong ito. Kahit na wala ang aming practicum supervisor dahil sa siya ay nagkasakit, ika nga eh, "Life must go on" pa din, of course, as practicum students, we have duties and responsibilities na dapat i-accomplish without Supervisor's supervision. Naks! ;)

So what we did in the morning, was discussion of the activities for the morning session. After, namin makapagusap we come up with 3 activities tapos yung iba ay for reserved purposes lang just in case hindi maging successful yung ibang activities. So, una naming ginawa, ay yung "Grizzly Bear" na kung saan mayroong taya at kinakailangan niyang patawanin yung mga participants. Kung sinuman yung tumawa o magreact sa Grizzly Bear magiging Grizzly Bear na din siya. Actually, nagawa na namin ito sa camp training before, kaso nga lang noong ginawa namin ito with the residents hindi ganoon kaganda yung resulta. Parang hindi naman sila na-energize eh, sa totoo lang. After the activity, iniisip ko kung ano yung mali sa activity, hindi ko alam kung sa pagbibigay ba ng instructions nagkamali, sa naging facilitator, o dahil wala si Sir Al, na mayroong authority, kaya hindi rin sila ganoon nagparticipate. However, there were some residents na nag-enjoy naman sa game.

The 2nd activity we had was "Never Been", sa tingin ko sa activity na ito, naging participative naman silang lahat. Nagsabi ang mga residents ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa sa kanilang buhay. Si K. A, makulit talaga, dahil kahit yung mga common na bagay na ginagawa ng tao ay binabanggit pa niya. Nagkaroon din ng hiyaan among the residents dahil minsan walang pumupunta sa gitna ng circle at parang in-denial pa na hindi pa niya nagagawa yung isang bagay na iyon.

Our main activity was "Prize in Life" kung saan bubunot ang mga residents ng kanilang prize sa buhay. Maaring materyal o hindi ang mga iyon . At kung anuman yung bagay na mabunot nila mula sa mahiwagang paso, kung gusto nila yung bagay na iyon sa kanila na iyon at kung hindi naman ay maaari nilang i-trade dun sa nabunot ng isa sa mga kasali. What I liked about this activity, was kahit 'hindi pa' totoo yung mga bagay na iyon, hal. Magkaroon ng Sports car, maging model, o maging Oprah Winfrey ng Phil. eh parang nagkakaroon sila ng drive to reach for that goal o para bang na-eencourage sila na sana nga magkaroon ako niyan o magkatotoo iyon. Sa tingin ko, the residents really liked this, sa kadahilanang, may mga "Prizes" doon na napunta na kung kanino dahil sa nakikipag-trade sila just to have it, hal. Yung 'sports car', napunta yun kay Ate D. tapos nakipag-trade si K. E. tapos nakipagtrade din naman si K.E. Yung isa naman ay 'makasal sa true love',aba'y akalain mong marami pala sa kanila ang pangarap din iyon, lalo na si K. na talagang nakipagtrade just to have that prize. Even ako, kahit hindi kami kasali eh na-enjoy din yung game. :)

Though we started this session na parang maraming flaws masaya naman kami sa naging resulta ng lahat ng ginawa namin..

And sana kahit paano nakapagbahagi kami ng lessons in life sa mga residents ng LCRC. ;)


Half-day lang pala ako today kaya hindi ko na naabutan pa yung mga activity sa afternoon session.


"Live your life to the fullest as if it is your last day today!"

No comments:

Post a Comment