Day 01 at Life Change Recovery Center : Tabula Rasa
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com
Noong bata pa ako may mga pagkakataong ako'y naging isang 'saling-pusa' o 'saling-kit' sa mga larong gaya ng tagu-taguan o langit lupa. Kahit na saling-pusa lang ako masaya at masarap din naman sa pakiramdam ang makasali at makalaro ang iyong mga kaibigan sa mga larong pambatang iyon. At tulad din ng isang saling-pusa sa isang laro, sa kasalukuyan, ako ay tila naging isang 'saling-pusa' na naman. Paano??Uhmm... Dahil ako ay biglang naging isang 'guest practicumer' dito sa LCRC. (Salamat kay Sir Al dahil madalas niya akong tawaging guest practicumer. hehehe. =) ) At kung bakit naman pala ako naging isang guest practicumer? Uhmm.. Next time na lang. Mahabang kwento. Sa susunod I'll share it with you. Madrama at roller coaster of emotions ang involved dun. Hahaha. =)
**Napapahaba na yata ang kwento ko tungkol sa pagiging saling-pusa ko dito sa LCRC ah.. Teka, sisimulan ko na nga ang unang araw ko dito.
Ika-17 ng Disyembre 2009. (Thursday)
Ito ang pormal na pagsisimula namin bilang practicumer dito sa Life Change. Maganda ang gising ko noong araw na iyon, walang kahit na anong bumabagabag sa aking isipan. Wala akong ideya kung ano ang pwedeng mangyari sa araw na iyon, ika nga eh, 'Tabula Rasa'. Umalis ako sa bahay namin 7:45 am. At dahil naging masyado akong relax,feeling ko eh wala pa ang iba kong mga classmate, na- late ako ng 15 minutes. (Buti na lang wala pa si Sir Al nun.hehe. =))
At habang nandoon kami sa garden at naghihintay ay ginagawa na rin namin yung mga Christmas decorations na ipinagawa ni Sir. So, kami naman nandoon lang, talking while working, naabutan namin ang mga residents na nag-OutDoor Activity. Though, we were not yet formally introduced to them, masasabi kong ito ang aking First Formal Interaction sa kanila. Nakita ko si Kuya Q. (para nga siyang Amboy dahil ang tangkad niya at ang puti pa) na magbasketball, si G.(the young lady), Ate Sh., Ate L., Ate A., at Kuya M. na naglalaro ng badminton.
Matapos ang ilang minuto, lumapit si Ate Sh. sa amin, tinanong kung ano ang aming ginagawa. Sinabi namin na ito'y mga Christmas Decorations at itinuro ito sa kanya nina Rio at Mary. Ilang saglit pa, lumapit si Ate. A at Ate L.. Nagpaturo si Ate A. at sinubukan niyang gawin ito, samantalang si Ate L. hindi na sinubukan pang gawin ang Christmas Décor na iyon.
Nakakatuwa na kahit paano ay nakausap namin ang mga residents ng LCRC sa loob ng ilang minuto. Maaaring dahil sa bago pa lang kami ay hindi pa din naman namin sila nakikilala at nakikita ang kani-kaniyang mga katangian at ganun din naman sila.
Matapos ang encounter with the residents, we were able to meet students from other schools. Nandun sila, Mansuari and Marion from New Era Univ., at sina Maron, and Marian of Manila Central Univ. Sila ang mga naging kasama namin sa maghapon para sa paghahanda sa Christmas Party sa LCRC. Nakakapagod ang buong araw namin, but it was fun. Dahil bago kami sumabak sa matinding gawin (hehe. ;p), sinimulan ang araw na ito ng isang worship service para sa mga residents at join ang lahat ng practicumers. Nagbigay si Pastor Paul ng kanyang spiritual messages. Kumanta din kami ng worship songs bilang pagpapasalamat at pagpupuri na rin sa Panginoon. A good day to start hindi ba?
Matapos ang activity na iyon, go, go, go na for preparations. Tulong-tulong. At presto: isang Bonggang-bonggang shining, shimmering, splendid na mga letters at mga stars na ikinabit sa stage at sa wall ng Session hall. Tamang-tama lang para sa tema: 'Liwanag ng Pasko'. Pero, hindi lang iyon ang natapos namin ng araw na iyon ha? May cute na Christmas tree made by Mary Rose. Color pink and violet ang kulay nito. Oh diba? Ready na talaga for the Christmas Party.
Syempre, nakakexcite din ang program na inihanda nila Marion. Magpeperform ang mga students, staff, at ang mga residents. Sigurado, lahat ng ito panalo! :) Kaya kahit nakakapagod ang araw na ito, its all worth it. :)
Thank you, God, for giving me life.
Thank God I can see.Thank God I can think.
Thank God for this wonderful day. ;)
No comments:
Post a Comment