Day 06 at Life Change Recovery Center: 'Man's only need is to be accepted'
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com
Ika-02 ng Enero 2010 (Sabado)
Bagong Taon na! And I'm looking forward that this year would be full of blessings, good health and good wealth for my family, friends, mga taong espesyal sa akin at sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Sana rin sa taong ito ay makarecover ang ating bansa sa kung anuman ang mga naganap sa nakalipas na bagyo at mga sakuna. Ika nga eh, kailangan matuto tayo mula sa mga pagkakamali natin. Tama. Tama. Kaya kailangan natin magmove-on gumalaw-galaw .kumilos .
At matapos ang ilang araw na bakasyon, ngayong araw na ito nagduty uli ako. Wala akong ideya kung ano ang mga gagawin sa araw na ito dahil wala ako nung year-end program. Buti na lang nag-duty rin sila Haha, Rio, Calla, and Dana pati sina Gayle and Lala. Kahit wala si Sir Al nung araw na iyon may mga activities pa ring naihanda para sa mga residents. Noong umaga ay nag- aerobics sila, subalit video instruction lamang iyon. Medyo boring nga kahit pa sabihing exercise yun eh. Napansin ko kasing alam na ng mga residents yung kasunod na steps dun sa video, so yung iba sa kanila ay inuunahan na yung steps ng aerobics.
Ewan ko, pero para sa akin kasi iba pa rin kung may nag-iinstruct talaga eh. Gaya nung Jai-ho ni Gayle. All ears and all eyes yung attention nila nung mga panahong iyon. At mas makikita mo na talagang nag-paparticipate sila. Overall, yung aerobics naman sa umaga ay mabuti rin para sa mga residents , at least nabawasan na sila ng ilang calories.Oppss.. Mayroon palang bagong resident si Kuya R. tapos nakabalik na din yung ibang residents na nagbakasyon.
Sa afternoon session naman, supposedly 5 People you meet in Heaven yung papanoorin nila kaso dahil mahina yung audio ng film pinalitan na lang ng MATILDA. Matagal ko ng napanood itong movie na ito, bata pa ako at ngayon ko lang uli ito napanood. Basta si Matilda ay batang inampon ng isang pamilya. Ang kaso yung pamilyang napuntahan naman niya ay pinapabayaan din siya at iba ang hilig o gusto sa buhay. Si Matilda kasi ay isang batang mataas yung IQ at may special ability. At the age of 4 , nakakabasa na siya at halos lahat na ng aklat sa library ay nabasa na niya. Nang handa na siyang pumasok sa eskwelahanay hindi siya pinayagan ng kanyang magulang dahil hindi nila priority ang edukasyon. Hanggang sa isang araw ay bigla na lang siyang pinayagan ng mga ito. Sa eskwelahan, masaya at mahirap din ang mga karanasan ni Matilda. Sa unang araw niya sa school ay nakita niya agad ang pagmamalupit ng kanilang principal kaya lahat ng mga estudyante ay takot sa kanya. Pero mabuti na lang yung teacher ni Matilda ay mabait sa kanya at ito ang nakatuklas sa kakaibang talino at pagiging unique ni Matilda. Despite Matilda's feeling of indifference from her family, she felt appreciated when she met her school teacher. Nagkaroon siya ng pamilya. At hindi rin naglaon ay pinampon siya sa kanyang guro.
This movie showed that we need a family that will not accept us for who we are but also appreciate us for who we are. What I mean is, ang pamilya Oo nga't tanggap nila tayo sa pagiging tayo pero minsan hindi naman, hindi nila maappreciate yung pagiging iba mo bilang isang tao. Kaya tuloy ang nangyayari nagkakaroon ng clash ang nanay at anak o tatay at anak.Pero at the end of the day, sila pa din naman ang pamilya mo. At sabi nga di ba, 'Man's only need is to be accepted'
;p
No comments:
Post a Comment