Saturday, January 23, 2010

:Saling-Pusa:

Day 02 at Life Change Recovery Center : Liwanag ng Pasko

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Ika-18 ng Disyembre 2009 (Friday)

Makulimlim ang hapong iyon tila nagbabadya ng malakas na ulan.Buti na lang habang nasa biyahe kami ay ambon-ambon lang. Nakarating kami sa LCRC mga 4pm. Excited para sa Christmas party. Hehe. :)

Dumating kami sa LCRC, ready to perform na. hehehe. (joke :P), Paano kasi we were wearing our violet/ purple blouses, yun nga lang hindi ito shining and shimmering tulad ng napagusapan. Busy na ang mga staff at students bilang paghahanda sa nasabing program. May mga residents na bumalik tulad ni S., at ang pamilya din ng mga residents ay nandoon upang manood sa presentations nila.

It's nice to see na dumating ang kanilang mga pamilya lalo na ngayong nalalapit ang Pasko. At naroroon sila bilang suporta sa kanilang performance. Kaya naman dahil sa kagustuhang mapaganda ang presentation ng mga residents ay ilang beses silang nagpractice, at nagsimula na rin ang programa mga 7:30 ng gabi.

Hayy.. Paskong-pasko na nga. Nafeel ko ang Christmas Spirit habang ginagawa ang Panuluyan. This reminded me that Christmas is for Jesus and masarap talaga kapag kasama mo ang pamilya mo tuwing Pasko.

Matapos ng panuluyan, nagperform ang mga residents, kumanta sila with choreography ng 'Seasons of love' , 'Joyful, Joyful' at 'Christmas in our Hearts'. Makikita mo na nagpamalas sila ng kooperasyon , talento sa pag-awit at pagsayaw.

Sana na-appreciate ito ng mga bumisitang pamilya na nandoon nung araw na iyon.

Nasundan ito ng mga presentations from UST, PUP and MCU students. Woww.. Medyo pinaghandaan namin ang aming sayaw, 'Jingle Bell Rock'. Hehehe. Dahil sa sinayaw na namin siya sa seminar namin nung miyerkules hindi kami gaanong nakapagpractice. And as far as I can remember madami akong steps na mali. Pero okay lang,, naenjoy ko naman ang pagsayaw. ;p

Bibong-bibo din ang mga staff dahil sumayaw sila ng Jabbawockeez. Ang galing pala sumayaw ng nurses ng LCRCeh. Hehe. In fairness, palagi nilang pinaghahandaan ang kanilang mga performance.

At para sa akin, ang pinakahighlight ng programa ay yung kainan. ;p hehehe. (Joke).ang pinakahighlight talaga ay ang pagkanta ng lahat ng 'Star ng Pasko' sa huling part ng program. Ang ganda talaga ng kantang iyon. Madaling tandaan ang mga lyrics at maganda rin ang mensahe. "Ang Panginoon ang magsisilbing gabay at ilaw natin sa lahat ng madilim na pagsubok na pinagdaanan o pagdadaanan natin sa ating buhay. " Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil, "Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro, Dahil ikaw Bro,Ang star ng pasko!"


Tayo ang ilaw sa madilim na daan

Pagkakapit bisig ngayon higpitan

Dumaan man sa malakas na alon

Lahat tayo's makakaahon

Ang nagsindi nitong ilaw

Walang iba kundi ikaw

Salamat sa liwanag mo

Muling magkakakulay ang pasko

Salamat sa liwanag mo

Muling magkakakulay ang pasko



No comments:

Post a Comment