Saturday, January 23, 2010

:Saling-Pusa:

Day 11 at Life Change Recovery Center: "Living in the Here and Now"

 
 

 
 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

 
 

 
 

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com

 
 

Day 11 at Life Change Recovery Center: "Living in the Here and Now"

Ika- 13 ng Enero 2010 (Miyerkules)

 
 

 
 

Bago kami makapaghanda para sa morning session, our practicum supervisor talked to us first about some important concerns.

Parang 'kumustahan blues' ang nangyari, dahil tinanong niya din ang tungkol sa pagiging healthy at hindi pa naman 'burn out' sa mga ginagawa dito, tungkol sa progress reports, lalo na yung mga add-ons gaya ng organizational chart, remarks, etc. At nabanggit din na ito na pala ang last day of practicum ni Rene, New Era Student.

 
 

After that short 'kumustahan blues', we proceeded in the session hall. It's Aerobics time! Napansin ko na may bagong residente, uhmm. Siya ay makulit, tila hindi mapakali at alis ng alis sa kanyang upuan. Napagalaman namin na ilang beses na siyang bumabalik 'voluntarily' dito sa LCRC.

 
 

During the aerobics time, napansin ko na they were divided into two groups, para magkasya sila sa mat? for the 1st group,Kuya N., C, K, A, and for the 2nd group, G., E., S., atbp. (hindi ko na matandaan yung ibang member). Habang pinapanood namin silang mag-aerobics napansin ko na ilan sa kanila ay hindi masyadong ginaganahan magexercise, habang yung iba naman ay ganadong-ganado.

At matapos ang ilang saglit, naki-join na rin kami sa pag-aaerobics nila.:)

 
 

In the afternoon session, its art session with Ms. Faye. Pero, sabi ni Sir we still have to prepare activities para sa PM session in case na hindi makarating si Ms. Faye. Good thing na dumating si Ms. Faye, not because ayaw namin mag-activity at hindi kami handa but for me kasi na-curious ako kung paano ginagawa ang art session ng mga residents. Kaya inihanda na namin ang mga gagamitin sa hapong iyon: manila paper and coloring materials.

 
 

When the activity started, ang instruction na ibinigay sa kanila was to trace their partner's body on the given manila paper. Pag natapos ang isa yung isa naman ang gagawa. Tapos, maari nilang lagyan ng mukha, mata o iba pang mga design na naayon sa kanilang kagustuhan at creativity ang kanilang traced figure. Sa drawing na iyon, isusulat din nila yung mga pangarap nila sa buhay. Habang ginagawa iyon ng mga residente, kaming mga students ay nag-oobserve lang. Ako, inassist ko si L. and M. Si M. kinukulayan niya talaga at makikita mong pinapaganda niya talaga yung iginuhit niya. Madiin at makulay yung outline niya. While si L naman, hindi siya masyadong detalyadong tao, o siguro dahil rin yun sa case niya kaya yung paglalagay niya ng mga details ay hindi ganoon karami. At saka kapag i-eencourage at tatanungin mo siya kung may iba pa siyang pangarap bukod sa isinulat niya eh lagi niyang sinasabing wala na daw iba kundi "Jesus loves me" lang. Wala naman akong ibang magawa kundi hayaan lang siya sa pagguhit niya at tanungin siya kung may mga nais pa siyang idagdag sa iginuhit niya.. Nakita ko din ang gawa ni G. at napakacreative ng batang ito. Kung ano yung suot niya that day ay iyon din ang ginaya niya dun sa traced figure niya. Kung tutuusin creative naman sila lahat, makikita mo iyon sa mga gawa nila. At ang nakakatuwa pa sa mga residents, ay noong nakita nila yung naging resulta ng artworks nila ay tila nagulat at naging masaya din sila, mayroon daw kasing tumaba yung figure, mayroon namang payat ang ulo, at yung iba naman sakto lang sa kung ano yung size at tangkad nila.

 
 

Itong art activity na ito w/ Ms. Faye, ay isang paraan to release their inner tensions and at the same time it was related to the theme. According to Ms. Faye, kung anuman yung mga iginuhit at isinulat nila tungkol sa kanilang mga pangarap at goal ay isang reflection ng kanilang mga sarili at this moment. Sabi pa niya ang past natin ay hindi na maaring ibalik kaya bawat araw ay dapat sulitin. And I agree with her, whatever we do today ay sasalamin sa mga mangyayari sa ating future. At kung hindi man naging maganda yung mga ginawa natin sa past, we still have the power to change it now. :)

 
 

"Yesterday was just a History, tomorrow is a mystery, and Today is a gift that is why it's called the Present."

 
 

 
 

 
 

 
 

 
 

No comments:

Post a Comment