Day 12 at Life Change Recovery Center: "Creating Joy and Happiness in Life"
Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com
Day 12 at Life Change Recovery Center: "Creating Joy and Happiness in Life"
Ika- 18 ng Enero 2010 (Lunes)
Sabi nga sa commercial, Tomorrow is another day, pero para sa akin, TODAY is another day. yeh. ;P
Another day to look forward to. Kahit na saling-pusa ako sa aking mga repafips dito sa LCRC, I'm enjoying it and for me, I am given the opportunity to apply the lessons we learned from our subjects and at the same time iniisip ko na ito ay isang paraan upang makakatulong sa akin at sa aking mga kamag-aral na mag-grow at ma-develop pa ang skills bilang isang future Psychologist.
Maaring may mga nagtatanong o nagtataka kung bakit naging 'part-time practicumer' ako dito sa LCRC, dahil kasi yun sa practicum professor namin. Biglang nagkaroon ng problema, naipit ako between may responsibility as our class officer at sa bagay na mas gusto ko talagang gawin. Hindi kasi mapipirmahan yung endorsement letters ng klase namin kung walang 4 na taong magiging secretary niya, at isa ako sa mga maswerteng napili. Honestly, labag talaga yun sa kalooban ko. Iniyakan ko pa nga yun noong malaman ko iyon eh, tapos nakapagtaray pa ako kina Haha, Rio, Dana, at sa mga fips ko, sila ang napagbuntunan ko ng araw na iyon. Roller coaster of emotions yun. Para ma-overcome ko iyon, ano bang ginawa ko?? Uhmm.. nagisip na lang ako ng mga positibong bagay na maaring maidulot sa akin ng pangyayaring iyon. Alam kong God has plans for me. At inisip ko na lang na baka challenge yun sa akin, on how to deal with difficult people? O baka a lesson about decision-making? Ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano talagang purpose ng pangyayaring iyon. Hayy.. siguro ganoon talaga ang life, full of surprises, magugulat ka na lang isang araw, eh bigla ka na lang palang mahaharap sa isang sitwasyong hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. But syempre, pinagnilayan ko din ang mga kaganapang iyon, at dahil sa may pagkamatigas din ang ulo ko, at para sa akin kasi, walang pwedeng pumigil sa'yo kung gusto mo talagang gawin yung mga bagay na sa tingin mo eh makakabuti naman sa'yo upang matuto at ma-grow as a person, eh naisip ko na I can do both - Doing my responsibility and at the same time I'm doing what I want to do. Wala naman sigurong masama doon?
Teka, tama na muna ang kwentong saling-pusa. Para na kasing pang-MMK yung kwento ko. Hahaha. Basta naibahagi ko na yung story behind that. Marami pa kasing follow-up stories dun eh baka maging nobela pa. :)
Back to my experiences dito sa LCRC. Monday, start of this week's theme, "Creating Bethel Joy and Happiness in Life" este "Creating Joy and Happiness in Life" pala. :p At dahil yan ang theme ngayong linggong ito, napagusapan naming mga practicumers na kailangan ipakita din namin na energetic, alive, and happy kami. Kailangan mag-set kami ng mood na ganoon para tuloy-tuloy na maganda ang week na ito para sa residents. Sabi nga what you think, you also attracts. At kung more energy mas HAPPY! :)
Bago kami pumasok sa session hall, our practicum supervisor set a meeting with us. He reminded us about simple things/ rules na nakakalimutan namin, gaya ng pagsusuot ng name tag, pagsusuot ng uniform or white shirt, and yung pagiging late, updates ng blog, etc. Tinanong niya din yung tungkol sa hatian ng grupo, kung sino yung in-charged sa morning and afternoon session. None of us replied dahil nagkagulo kung sino nga yung pang-am and pm session. Dahil doon Sir Al gave us a 10 hour deduction. Para sa akin nakakalungkot na mabawasan ng 10 hours, dahil konti na nga lang yung days na nagstay ako dito nabawasan pa. Tsk. Tsk. Eh siguro ganoon talaga, sometimes kailangan pa naming maparusahan o mabigyan ng punishment para ma-realize na we are responsible for the things we do. On the lighter note naman, dahil ang theme nga ay Creating Joy and Happines in Life si Bethel Joy a.k.a Bude ang leader for the week namin. So after that meeting with our supervisor we started to planned about the activities for this morning.
Nang pumasok kami sa session hall, napansin ko na kulang yung mga resident naka out on pass siguro tapos nameet ko din si K. yung bagong resident. Nagsimula kami sa pagpapakanta sa kanila ng 'KUNG AKO AY MASAYA'. Pagkatapos kumanta ay nagkaroon ng konting story sharing si Bethel na related sa theme. At ito yung kwento:
"One day a blind boy was seating and waiting for someone to drop a coin so he can buy food. He had a blackboard beside him written, "I'm blind, please feel pity." Suddenly, a man approached him, dropped a coin and erased what was written on the board. The boy realized it but ignored it. Later, he heard a lot of coins were being dropped in his can. After an hour, the man came back and asks how he was doing. The boy replied, "My can is full of coins, what did you write on my board?". The man read it and said, "Today is a beautiful day, but I can't see it".
Maganda yung nais ipahiwatig ng story,
about sa pag-appreciate ng mga maliliit na bagay sa ating kapaligiran can make us happy. Kung patuloy kang sa negative side lang nakatingin then magiging miserable ang life mo. Choice mo pa din kung paano ka magiging masaya at kung paano mo papahalagahan ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo.
For our energizer, ay 'HUMAN COMPASS', sa tingin ko nag-enjoy naman yung mga residents. Napagod sila at kami ding practicumers. Hehehe. Kagrupo ko si Kuya E. at si Ate D. at lagi kaming nahuhuli dahil sa likod kami ni Calla eh biglang nagcomment si Kuya E. na lagi daw kasi kaming sa likod at masikip na yung daan. Nakakataw yung comment niya pero may point din naman kasi siya. :)
After that, ay 2nd activity naman 'MASAYA AKO' na kung saan kinakailangan nilang iportray yung mga scenes na mabubunot nila with the specific emotion given at yung lines na sasabihin lang nila ay "MASAYA AKO". This activity was pure fun and a showcase of the resident's acting ability. Lumabas yung mga bagay na ini-expect ko para sa activity na ito. Nakita ko yung talent at cooperation nila as a group to come up with that specific scene, and in fairness to them mayroong best actor at actress sa kanila. Hehehe. At may mga eksenang nagustuhan ko, una ay yung sa Group 2, yung 'Masaya ako' pero nag-rarally sila at ang emotion involved ay matapang, ang galing nga eh, very precise yung facial expression nila and voice tone para sa eksenang iyon. Mayroon pang isa, yung sa Group 3 na nanood sila ng action movie at excited. Aba, pwedeng actor si Kuya J. ah. Hehehe. Magaling silang lahat.
The lesson of the game: Sometimes its easier for us to show happiness kaysa ipakita yung totoong feelings/emotions mo. During the processing, I asked the residents the question, "What makes them happy?" One of the resident's answer was: "Family", for Ate L. , "prayer", and for C., "students". It's good to hear those answers from the residents. Ang mga sagot nila ay ilan lamang sa mga paraan o dahilan kung bakit nagiging masaya tayo. And its your choice kung paano ka magiging masaya sa pag-aapreciate ng isang bagay. Sabi nga ni Sir, in his lecturette after that activity, our happiness should come within ourselves.
And the following are some formulas for being happy:
- Attitude Behavior
- Behavior Attitude
- Thoughts Feelings Behavior
Quote for the week: Happiness never decreases if you are going to share it - Buddha
In the afternoon we prepared, "Fox Hunts Squirrel" at "Cat Mouse Trap" . Parang karamihan sa kanila ay medyo bored that afternoon, pero nakita ko si Kuya R. nagparticipate dun sa Fox Hunts Squirrel at mukhang na-enjoy niya ang pagtakbo ah.. Si G. naman ang nanalo sa Cat-Mouse-Trap, dahil siya ang natirang hindi na-trap. After that activities, mayroong discussion tungkol sa paano ka magiging masaya when you achieved your goal. And it should be:
S- pecific
M-easurable
A-ttainable
R-ealistic
T-ime-bound
It seemed that the residents know this already lalo na si Kuya A. Tapos ang ginamit na example ay yung goal ni Ate S. na makapagtest ng civil service. They responded well naman, and kung ano ba yung implications nito, 'to achieve happiness one must have suitable goals and suitable means'. Tama. Mas fruitful , mas satisfied ka, mas magiging masaya ka kung ang suitable ang goals at means na ginamit mo.
No comments:
Post a Comment