Saturday, March 6, 2010

:Saling-Pusa:


Day 26 at Life Change Recovery Center: "Attend to Yourself Part 2" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 26 at Life Change Recovery Center: "Meditative Walk: I Gotta Feeling. ;p
Ika- 03 ng Marso 2010 (Miyerkules) 

Late ako today dahil sinasadya kong magpa-late. Hehehe. Pero syempre mas maaga sa call time na sinabi ni Sir para sa Meditative Walk namin with MS.Mona. Hehehe. Excited ako kasi I'm curious and also excited sa mga magaganap this morning. So before ng session namin with Ms. Mona, Laura and I were assigned to help Ms. Mona sa paglalagay ng lines para sa activity. Then, together with K. (isa sa mga na-discharged ng resident) inorient muna kami ni Ms.Mona ng gagawin,so kami naman subok muna. At first, medyo naiilang ako at hindi maka-concentrate dahil nga maingay at mainit din sa labas.Pero ng marami na kami mas at ease na akong gawin yun. 

Before namin gawin ang Walking Meditation , we first had an orientation with Ms. Mona sa FT room, diniscuss niya yung about sa meditation, yung common forms ng meditation na ituturo niya, yung sitting and walking meditation. Then, sinabi niya sa amin, na habang ginagawa iyon dapat naming i-focus ang aming mind sa 5 areas: Crown, Forehead, Face, Heart, and Belly. Ang Crown para dawmas malapit ang relation kay God, and Forehead for intelligence, and Face sensitivity, Heart for interpersonal relationships, and Belly is for Strength. So, during the actually session, I focused my mind on my Face and Forehead. Grabe, I felt dizzy and masakit ang ulo ko ng mag-concentrate ako forehead ko. Promise. Pero pagdating naman sa face ko wala aking na-feel na tension o anything, basta I felt light habang naka-focus sa face ko. 

During the sitting meditation naman, na-enjoy ko din ito and yung nga lang mas naka-pagconcetrate ako sa Walking Meditation. Sa loob kasi ng FT room at maririninig mo yung tunog ng aerobics kaya medyo nadisturbed lang ako.. Pero after the session, wow that was Superb experience. Hindi ko alam ah, pero for me gumaan ang pakiramdam ko. I gotta feeling talaga. Hehehe. :)

Obviously, halatang iba yung mood naming lahat before we entered the session hall for the PM activity eh. Sa tingin ko, nakatulong sa aming lahat yung walk-walk meditation ni Ms. Mona. Ang ginawa namin in the afternoon, ay art activity, isang Forgiveness card para sa mga taong nakagawa ng kasalanan sa kanila. Hugis kamay ito at pag, finold nila parang nag-pa-pray. Bawat table ay may assigned practicumer. Masaya ako dahil nakausap ko si Tinker Bell ngayon. In fairness to her responsive siya, yun nga lang napakatipid ng words ng batang iyon. Its nice to hear yung tawa niya at yung boses niya. Bibihira ko kasi siyang marinig magsalita eh at saka tumawa. At magaling talaga sa art itong batang ito. Samantala, si Ate L. naman, napansin kong siya yung tipo na hindi confident sa magiging resulta ng gagawin niya, kumbaga may hesitation siya sa sarili niya. Gaya, halimbawa ng card na gawa niya, inulit pa niya iyon uli dahil daw pangit yung una niyang gawa at saka yung 1st card niya matagal pa niyang pinag-isipan kung paano at ano ang gagawin niya. 

After the residents were done in their forgiveness card, pinakanta namin yung community song na Forgiven. And then, after four rounds of singing its time for us to go na..

   
Ginabi kami today dahil kailangang tapusin ang interpretation ng tests ng mga applicants. Nakakapagod yet magaan pa din ang pakiramdam ko sa pagtatapos ng araw na ito. :)



:Saling-Pusa:


Day 25 at Life Change Recovery Center: "Forgiveness" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 25 at Life Change Recovery Center: "Attend to Yourself!"
Ika- 01 ng Marso 2010 (Lunes) 

Uyyy.. Unang buwan ng Marso ngayon, summer na at malapit na rin ang graduation. Masaya ako dahil kahit may one week suspension ako, eh makakapag-whole day na din ako sa LCRC. Hehehe. Marami kasi akong ginawang kung anu-ano noong weekends to overcome yung nangyari noong nakaraang linggo. So ngayon medyo light na ang pakiramdam ko at saktong- sakto pa sa tema na Forgiveness. 

Dahil nga parang medyo heavy ang theme na ito sabi ni Sir dapat daw light activity muna para sa morning session, yung medyo motor activity na kung saan gagalaw ang kanilang katawan. So, ang main activity namin ay yung parang Picture Perfect din, pero ang gagawin magpapakita ng scenes about Forgiveness then hindi gagalaw. Ako at si Daisy ang napunta sa Group 1, ang mga residents na ka-group namin ay sina Kuya E., M., M., medyo nahirapan kami ni Daisy dahil napunta sa aming grupo ay ang mga residents na hindi active. Hindi sila nagbibigay ng suhestiyon man lang, most of the time si Kuya E. ang nagsasalita, at masasabi kong siya ang halos tumayong leader ng Group 1.But napansin kong si Kuya E. ay may pagka-negative, dahil kapag may naiisip yung iba niyang ka-group na eksena pero parang mahirap i-portray sasabihin niya gad na mahirap iyon at hindi na niya susubukan, kumbaga madali siyang mag-give up. Even before pa napapansin ko na yun sa kanya eh, sana lang mabago yung ugali niyang ganum. 

But the activity was fun, dahil hindi ko akalaing mananalo pa ang group namin. Im proud of them dahil most of the scenes we depicted ay galing sa mga residents. :)

Nakakalungkot dahil I was not able to go inside para sa afternoon session. Ako kasi ang nag-admin work in the PM at nagpa-administer ng tests sa isang applicant. Im so sad. :( Pero okay lang nakapagpa-test naman ako. 

After the Pm session, may meeting uli with our practicum supervisor. Late na ako for the meeting dahil ang tagal magsagot ng applicant kaya tuloy hindi ko naumpisahan ang mga napagusapan nila. But all throughout our conversation, na-realize ko na its nice to know na may mga taong handang makinig sa'yo at ikaw mismo bilang future psychologist ay may mga sariling problema na kinakailangan ding i-resolve. I agree with sir na we also have to attend to ourselves dahil paano mo nga naman tutulungan yung kapwa mo kung ikaw sa sarili mo ay may conflicts hindi ba?? Kaya dapat ding alagaan ang ating mga sarili at maglaan ng panahon kung feeling burned-out o stressed na.. :)



:Saling-Pusa:


Day 24 at Life Change Recovery Center: "2nd Culminating Activity!"   

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 24 at Life Change Recovery Center: "It's Complicated!"
Ika- 26 ng Pebrero 2010 (Biyernes) 

Half-day ako today sa LCRC. Im not in good mood today dahil umaga pa lang cry-cry na ako.. I had one-week suspension sa isa ko pang practicum ng dahil sa susi but actually napakahabang kwento. :( I really felt bad dahil sa nangyari and para mawala ito ay joined may gurlfrends para sa culminating activity this afternoon. Kahit na wala ako sa mood, I tried to smile and enjoyed the activity.
Medyo nakakawindang ang araw na ito dahil di mo aakaling lalabas na si W. he was discharged against medical advice and at the same time it was Kuya P.'s send-off and birthday celebration na din. 

Medyo nakakalungkot but of course masaya din dahil its time for him to go back na sa pamilya niya at sa tingin ko makakatulong din iyon para kay W. Si W. para sa akin, ay ang isa sa mga pinaka-nakakatuwang resident. Natuwa lang ako sa kanya dahil nakakapagsalita siya ng ibang language lalo na nung andun pa sila LALA at nag-uusap sila in Chinese. Tapos yung mga mannerisms din niya na uupo doon sa isang sulok malapit sa mga mesa, at kapag mga 11:30 am na pag malapit ng magtapos ang session magtatanong siya kung 'Lunch na ba' tapos pag gutom na siya, ibababa na niya yung mesa na minsan ay nakaka-disturb sa morning activity. Ilan pa sa mga naalala ko sa kanya ay yung pag nagagalit ay mahilig magmura, tapos ay yung pagiging magalang niya at yung minsang magtatanong kay Sir tapos bigla na lang sasabihn ' Ah, okay. Salamat Sir'. Hehehe. 

On a lighter note, it was Kuya P's send-off and birthday celebration, practicum students from Letran and PUP present something and also yung mga residents. Sa mga residents ay yung 'Batang-Bata ka pa', s Letran ay yung 'Ang Bawat Bata' at sa amin PUP ay yung 'Seewt Child of Mine'. Hindi na ako sumali sa kanila dahil hindi ako naka-pagpractice. 

Naging maayos naman ang program at kahit na batid mo ang kalungkutan para sa ibang mga residents dahil may aalis na naman para kay Kuya P. ay isang masayang araw ito. Halata sa mukha niya na he was really happy ganoon din ang pamilya niya. Sabi ng mother ni kuya P. nakita niya raw ang progress kay kuya P. yung pagbabago sa ugali ni Kuya P., And I think it was very significant, dahil yung goal ng Life change, to help an individual to change ay nagawa nila kay Kuya P. And sana nga, tuloy-tuloy na ang pag-recover niya at ganoon din si W.


 

Salamat sa pansit at juice na dala ng family ni Kuya P. At thanks to my gurlfrends, I really appreciate your chocolates and words of encouragement. hehehe. :)

 
 

:Saling-Pusa:


Day 23 at Life Change Recovery Center: "Worship Day!" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 23 at Life Change Recovery Center: "I need positive energy!"
Ika- 25 ng Pebrero 2010 (Huwebes) 

I am so depressed today kaya pumasok ako ngayon sa worship day because I needed some enlightenment.. Pastor Paul gave a very meaningful message today and it is related sa healing the inner child. What I learned from Pastor Paul ay yung process of healing the inner child within ourselves and he said that we must: ALLOW, ACCEPT, UNDERSTAND , and LET GO.  

Sabi niya we must allow those painful memories na alalahanin uli pati yung feelings na kasama nun, then you must accept the fact na nangyari na iyon eh, kung anuman yung naidulot ng pangyayari sa'yo you must accept and understand na you also allow that situation hurt you and kung anuman yung nangyari kailangang tanggapin at unawain ang mga aral na maaring makuha mula sa pangyayaring iyon. After that acceptance and understanding learn to let go. This might not be easy, pero habang nakakulong kasi tayo sa mga painful experiences nayun, sa galit o sa sama ng loob from our past tayo pa din ang mukhang talunan eh. Sabi nga 'No one can hurt you unless you allow other people to hurt you.'

Kung forever tayong mag-dedwell sa past, life becomes too complicated for us. Hindi ba??


And also, "There are no bad guys, only wounded souls.."


Sa tingin ko naman na-enlightened ako this morning.. and naka-absorb ng positive energy. ;P

:Saling-Pusa:


Day 22 at Life Change Recovery Center: "Healing the Inner Child" 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com 

Day 22 at Life Change Recovery Center: "Toys are meant to broken??"
Ika- 22 ng Pebrero 2010 (Monday)


Dahil most of my gurlfrends were done in their practicum hours, ngayong araw na ito ay anim lang kami, si Haha, Daisy, Bethel, Laura, Dana at ako.. wala si Calla at Rio. Medyo nahirapan kaming magisip at pumili ng SLE na gagamitin para sa theme na 'Healing the Inner Child' because we realized na habang tumatagal parang nagiging mas malalim at mas nagiging seryoso ang mga theme for the residents. Daisy and I facilitated the main activity, si Daisy ang nagbigay ng instructions and ako ang nag-process. 

Sa timeline activity na ginawa ni Daisy, they were asked to list yung painful experiences nila during their childhood. Habang ginagawa ito, mayroon kaming mga kanya-kanyang assigned tables and yung residents sa table ko ay sina Ate L., W., and J. ( a new resident). Its really hard na palabasin yung emotions na ganoon sa kanila and parang kapag inalala nila yung memories nila parang babalik yung pain na yun eh. And during the processing part, natakot talaga ako na baka may bigla akong ma-open na something sa kanila, emotions na can make them sad or too emotional at that moment. Natakot talaga ako. Thank God wala naman. But what really struck me was Kuya J.'s answer na 'Toys are meant to be Broken' daw, medyo nadulas ako 'coz I said na I disagree with him, which is improper kapag nag-pa-process ng activity. The residents shared some of their experiences and yung kaakibat feelings nila when that happened. Some answered na may mga physical na sakit lang gaya ng pagkakapako ng paa, mayroon naman na sobrang nahiya sa kanyang experience. And pano nila ni-resolved yun?? They said na inaalam nila kung bakit nangyari iyon at sa tulong na rin ng pagdadasal. 

Sa totoo lang, I really felt na I was not able to process it well dahil natakot akong baka hindi ko ma-handle kung sakali mang may lumabas na mabigat na emosyon mula sa mga residents. :)

*Na-realize ko lang din from this experience ay yung sinabi ni kuya J. na 'Toys are meant to broken?? ', para sa akin I really disagree with this. Pero may punto rin naman siya, na sometimes, at one point in our lives, tulad tayo ng mga laruan, dumarating sa punto na parang sirang-sira na, useless, walang kwenta, hiwa-hiwalay na ang mga bahagi, isang kalat na lamang. Ang isang tao kapag nasaktan siya, kapag nakaramdam siya na tila ba ang bigat ng problemang dinadala niya, pakiramdam niya ay parang wala ng pag-asa ang buhay, wala ng silbi sa mundo, o para bang paralisado na at hindi na makakilos pa. At dahil doon, iniisip natin, iniisip ng mga tao, na dapat lamang na tuluyang sirain ang kanilang mga sarili na nagiging sanhi upang mag-resort into something para makapag-cope up, gaya ng pag-kadepressed at tuluyan ng mawala sa sarili o kaya naman ay sa pag-dadrugs..


Kung magkagayunman, na tayo ay mga laruan gugustuhin mo bang maging isang sirang laruan na lamang?


Kung ako ang iyong tatanungin, It's a BIG NO.NO. NO for me. Ayokong maging isang sirang laruan. Hindi tayo dapat maging isang laruan na itinadhana para lamang sirain ng iba at patuloy pang sirain ang ating mga sarili. Each of us has the power to fix ourselves. Kung nararamdaman mong parang wala ka ng magawa sa buhay mo,useless, or alone in your journey, then start to fix yourself. Seek help. Kung tila hindi mo kayang mag-isa humingi ka ng tulong mula sa kapamilya mo, kaibigan, sa Diyos o sakahit na sino na pwede kang makahingi ng mabuting payo, its for you/us to regain strength, upang maging buo uli, makapagnilaynilay, upang maging isang magandang laruan muli na nagbibigay saya at sigla sa mga taong nakapaligid sa atin . :)

  
 


 

:Saling-Pusa:


Day 21 at Life Change Recovery Center: "Ash WednesdayFounded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com

Day 21 at Life Change Recovery Center: "Q. joined the Aerobics Session"

Ika- 17 ng Pebrero 2010 (Miyerkules)



Today is Ash Wednesday. Sinasadya ko talagang magpa-late dahil umatend pa ako ng misa sa Sacred Heart Parish Church. So, nang dumating ako, naabutan ko ang mga residents na nag-outdoor activity, actually almost patapos na nga sila, and also some students from St. Mary's were also present. Nang dumating ako, parang ganoon pa din,may mga hindi talaga active at tila ayaw mag-exercise, kung sino lang yung resident na laging active at madalas na makipag-interact sa mga students eh sila pa din yung mapapansin mo.


 

During the aerobics session, one person that I observed was Q. Sa totoo lang, nagulat ako when I saw him joining the other residents na mag-aerobics, humiga sa mat, mag-lying leg curl at mag-push-ups. Very rare and honestly never ko pa talagang nakitang mag-exercise si Q. since we started our practicum here. Ito yung first time kong makita siya na mag-aerobics. Nakakatuwa lang ng makita siyang nag-participate. ;)


 


 

:Saling-Pusa:


Day 20 at Life Change Recovery Center: "Life Mapping"

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com



Day 20 at Life Change Recovery Center: "Amnesia???"

Ika- 15 ng Pebrero 2010 (Lunes)

Hala!.. What's happening to me??? Dahil ang tagal kong hindi nakapag-blog at hindi ko din naisulat sa aking journal notebook ang mga nangyari sa akin sobrang hindi ko talaga maalala ang mga naganap sa araw na ito.. Salamat sa mga gurlfrends kong mayroon ng blog entry, hehehe. It helped me recall the activities we did in the morning session. :)

So, this day, and since Monday ito, we introduced a new theme at ito nga ay 'Life Mapping'.. Medyo nahirapan kaming magisip ng activity at dahil na rin siguro may hang-over pa sa Valentine's Party. We decided na i-facilitate ang 'Dotty drawing', since ito nga ay tungkol sa life mapping, it tackles na rin yung purpose mo sa buhay at yung mga goals na gusto mong ma-achieve. Si Calla yata ang nag-facilitate nito eh.. And as far as I can remember , I was assigned sa table ni W. and R.

I noticed na medyo iba yung mga sinusulat ni R. parati niyang kinukwento yung tungkol sa kanyang religion, basta he was not in his normal state of mind while doing the activity, puro flight of ideas lang.. Throughout the session, may mga residents namang nakapag-share ng kanilang mga goals sa buhay nila and sana matupad nga nila ito. ;)


 

:Saling-Pusa:


Day 19 at Life Change Recovery Center: "It's all about LOVE"

  

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com

Day 19 at Life Change Recovery Center: "A Fairytale Valentine!"

Ika- 12 ng Pebrero 2010 (Biyernes)


Yeh. Its all about LOVE. As in capital L - O - V - E, love is in the air na ngang talaga at dahil malapit na ang Valentine's day ay wala akong ibang masabi kundi Love, love, love! ;) Naging makabuluhan ang linggong ito at lahat naman ay naging excited para sa party na ito. Kahit na most of the time ay wala ako sa LCRC to help my gurlfrends para sa preparation ng event na ito at feeling ko eh wala akong masyadong na-contribute, still updated pa din naman ako sa mga naganap sa mga nakaraang araw. At feeling ko nga, one week akong absent at biglang pumasok na lang para maki-party na lang.. Hehehe.




Anyways, napakaganda ng tema 'A Fairytale Valentine', masasabi kong magical talaga ang hapong iyon not only for us students but also sa mga residents and staff ng LCRC. What I liked about this special program ay yung pagsusuot namin ng different fairytale characters. Feel na feel talaga namin yung mga characters na pinortray namin and pinaghandaan namin ito ng bonggang-bongga. The resident's families also prepared costumes for them. Kaya nga ang nanalo sa kanila ng Best Costume female category ay si K. as Snow White and Ate L. as the Lion ng Wizard of OZ, tapos sa male naman ay si C., Prince charming, but mukha siyang haciendero.. Hehehe. Iba ang atmosphere during the program, it was just like seizing every single moment. Alam mong lahat ay nag-abala at naglaan ng oras para sa event na ito. The residents presentation was great as well as the students performance. Basta masaya lahat. Everybody HAPi.. ;)


After that, mayroon ding party sa labas, kasama ang staff, students from UE and PUP.. Send-off na pala ng UE ito, some of them were emotional ng magbigay ng message.. It was meaningful dahil alam kong they really enjoyed and they really learned a lot from their experiences here.. (tsk. Eh pano pa kya kami???walang iiyak. Hahaha. ) Syempre, bawal ang malungkot kaya FUN, FUN, FUN lang.. May videoke din.. Hehehe. Nakakatuwa, kasi si Dana ni hindi ko akalaing kakanta sa videoke.. Halatang nagrerelease ng stress tama ba???hehe. But really, this Valentine's Party was pure love, love, love, and pure fun, fun, fun! ;p

 I really enjoyed this one!




Sunday, February 7, 2010

:Saling-Pusa:


Day 18 at Life Change Recovery Center: "Enhancing Spirituality"
 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com
 

Day 18 at Life Change Recovery Center: "1st Culminating Activity"
Ika- 05 ng Pebrero 2010 (Biyernes)
 

Friday. Nakakatuwa na wala kaming Physics class today. Ako, I have to go to PUP para sa classcards namin and para mag-lib sana sa NALRC, kaso dadating daw si Eddie Villanueva kaya hindi nagpapapasok ng mga estudyante. Dahil doon napagdesisyunan kong hanapin na lang ang aking mga gurlfrends para sa presentation namin sa Culminating Activity ngayong araw na ito sa LCRC.

Mabilisan ang aming practice ng ' O For A THOUSAND TONGUES' dahil may meeting ng 1pm para sa Feb. 12. party…

So pinilit talaga naming makapagpresent dahil nga ito ang first Culminating Activity na aatend kami..

When we arrived sa LCRC nakita namin ang mga UE students and naghahanda sila para sa activity ngayong hapon. Nandoon din si Kuya Marlon at Buddjhie. Tapos mineet na kami ni Sir Al at pinagusapan na ang flow ng program mula sa costumes, design ng stage, sound system atbp. Isa - isa ding nagpakilala kung sinong mga characters ang aming ipo-portray. At nag-assigned din ng mga magiging point person para sa activity na iyon.

Naging maayos ang pagdedesignate ng mga tasks at sana maging maganda ang kalabasan ng araw na iyon. :)

***

During the Culminating activity, hindi ko talaga makakalimutan yung mga testimonials ng mga residents. Para sa akin yun talaga yung highlight ng porgram eh. Nang magsalita si Ate L. sabi niya pangalawang beses na daw niyang pasok iyon sa Life Change and kailangan daw niya kasing magrest muna, dahil pakiramdam niya ay umiikot na naman ang buhay niya sa mga problema. Ang maganda sa sinabi niya ay alam niya kung sino ang gagabay sa kanya at may Diyos na handang dumamay. Dahil first time kong makita si ate l. at ito ay pang-2nd time na pala niya, humanga lang ako sa kanya dahil for some, siguro hindi na uli sila magpapasok sa mga ganoong center. Pero siya alam niyang kailangan na naman uli niya ng tulong, and siguro to have time for herself din.

Si R. naman, ngayon ko lang siya narinig magsalita ng matagal at magsalita in front. Sabi nga niya hindi daw siya talaga sanay magsalita sa harap ng maraming tao kaya isinulat na lang niya. Para sa kanya nag-iiba yung pakiramdam niya kapag nag-ba-bible study sila at magkakasama silang natuto ng salita ng Diyos. Nagpasalamt din siya kay K. dahil kapag binabasa niya daw yung daily bread, parang na-e-enlighten siya. Kahit na hindi niya ganoon naipaliwanag lahat ng mga sinabi niya you can get the message na parang muli siyang nabubuhayan ng loob sa tulong ng mga kasam niya at sa salita ng Diyos.

Tamang-tama lang yung quote for the week na 'Faith without action is DEAD'… Kahit na malakas ang pananalig mo sa Panginoon pero hindi ka naman kumikilos at naghihintay ka lang sa mga biyayang darating, wala ring mangyayari sa mga ipinnagdarasal mo sa Panginoo. Kailangan kumilos din tayo kung nais natin ng isang maayos na buhay. :)



:Saling-Pusa:


Day 17 at Life Change Recovery Center: "Enhancing Spirituality"


Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


 

Day 17 at Life Change Recovery Center: "Getting Excited for Feb.12.."
Ika- 03 ng Pebrero 2010 (Miyerkules)

 
It's aerobics day. Pero bago pa iyon may outdoor activity ang mga residents. Ang mga nag-oudoor ay sina k., G., Q., Paolo.,at R. Unlike the outdoor activity before, energetic ngayon si K., nakipaglaro pa nga siya ng badminton kina Rio, Laura at Daisy. Samatala, si P, nakaupo lang doon sa isang spot ganoon din si Q., at R. Si C. at G. ay hindi naglalaro dahil nakupo lang din sila sa waiting area at tinitingnan ang mga scrapbooks na gawa ng mga estudyante. Minsan kahit na ini-encourage mo ang mga residents to participate at maging active sila din yung umaayaw eh. Paano kaya namin sila ma-eencourage na maglaro during their outdoor activity?



Meeting with Sir Al after ng outdoor activity. Pinagusapan namin yung tungkol sa mga characters, ng staff, residents at practicumers. He also reminded us yung music na gagawin na backdrop at music. Tiningnan niya din yung mga materials na gagawin namin sa art activity in the afternoon. Saka sinabi niya din na may meeting sa Friday for that Valentine Party.
 

*We are all excited for the Valentine's Party.. Ayee. :)



During the aerobics time, Rio, Haha, Dana, and Mary joined the residents sa aerobics. Naki-push up din sila sa mat at naki-crunch din.. Kami nila bethel, white team sa side lang, pero naki-move din naman yun nga lang hindi lahat ng routines. I noticed na ganoon pa din yung mga residents, makikita mo kung sino yung madalas na energetic at madalas magsalita. As usual si K. at Kuya A. yung napapansin mong bibo at madalas magsalita.

May bagong residents pala si Ate D. at Ate L. cooperative naman silang dalawa during the aerobics time.



Pinagpawisan ang mga residents at mukhang napagod sa exercise. Sinabi din namin na next week ibang Cd naman yung gagamitin. ;)



:Saling-Pusa:


Day 16 at Life Change Recovery Center: "Enhancing Spirituality"


Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com

Day 16 at Life Change Recovery Center: "Quiet Time.."
Ika- 01 ng Pebrero 2010 (Lunes)

*After ng isang nakaka-depressed na midterm score sa pHysics namin, kailangan kung mag-move forward at mag-ipon ng strength para sa linggong ito. Umagang Kay Ganda pa din at napag-isip isip kong kailngan ko na talagang mag-aral sa Physics, pero hayy.. Na-dedepressed talaga ako kapag naaalala ko yung exam namin. :(

Despite that feelings of frustration and disappointment, maganda ang gising ko ngayong araw na ito. Maaga akong nagising ngayong araw na ito, 6am pa lang gising na ako, tapos umalis ako sa bahay namin ng 7:20am at nakarating ng 7:52 am sa LCRC. Early bird ako today at nakabawi ako sa 1minute na late. Hehehe.

Actually, I don't have any idea sa mga magaganap ngayong araw na ito. Emo-emo nga ako ngayon at parang feeling ko lang na hindi masyadong maging active at hindi masyadong magsalita. Wala lang parang I just want to have a quiet time for myself. Hindi ko din alam pero basta parang ganoon lang gusto ko lang manahimik muna.

Ang theme namin for this week ay enhancing spirituality and si Laura ang point person for this week. Sabi niya na may short program daw today, dahil may isang Psychologist from UK ang magiging bisita ng Life Change for two weeks. So, pinagusapan namin ay yung sa magiging program, 'Opening Prayer', 'Welcome Remarks' at isang 'Welcome Song: Kumusta Ka?' para kay Peter. Naging maayos naman ang program na iyon at very participative naman ang lahat especially sa welcome song na Kumusta Ka. Na-overwhelmed si Peter dahil sa pag-welcome sa kanya ng Life Change. And we Filipinos are known naman talaga for being nice and hospitable. Sana he will enjoy his stay here in the Philippines at saka sa pagiging bahagi ng Life Change.   After the short program, isang energizer ang ginawa namin - Pinoy Henyo. Napag-alaman ko na ito ang isa sa mga favorite na laro ng mga residents, at para maiba sa usual na Pinoy Henyo mayroong twist na ginawa. Gamit ang ilang dayalekto, ang pagsasabi ng OO, Hindi at Pwede ay sa salitang Pampamgeno at Ilokano. Gusto talaga ito ng mga residents at sa tingin ko naman na enjoy nila ito. Yun nga lang wala na kaming oras dahil pinatawag na kami for the meeting.

Sinabi ng aming practicum supervisor na he is not comfortable na palagi kaming nag-ka-cram sa mga activities. At dahil doon nakakalimutan namin ang mga malilit na bagay. Though he commended us for good execution ng mga activities still hindi pa din daw maganda na parati kaming mag-cram. :( Next time no, no, no more cramming!

:Saling-Pusa:


Day 15 at Life Change Recovery Center: "Finding Meaning in Life"



Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

 
For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


 

Day 15 at Life Change Recovery Center: "Start of Something New.."
Ika- 27 ng Enero 2010 (Miyerkules)

 
Yes, something new talaga today. Dahil kahapon pumunta ang aking mga gurlfrends sa bahay namin para gumawa ng AVP presentation para sa Graduation ng isang resident. Pinaghandaan namin iyon at saka sabi ni Sir Al kailangan daw namin magdala ng formal attire. We thought na para yun sa graduation. Pero may iba palang purpose yun. Hehehe. :)



I arrived exactly 8am, pero ng magtime-in na ako, 8:01am na. Na-disappoint ako dahil one minute late na ako, sayang din yun. :P

That morning napag-usapan namin ay yung magaganap na special event this day. Kaming mga Am sessionistas (sabi nga ni Bethel.hehe) ay pumasok sa session hall for the Aerobics session. While yung iba ang naghahanda ng decorations para sa graduation ni kuya N. Medyo kakaiba yung aerobics ngayon, parang ang tahimik sa loob at kumbaga eh behave yung mga residents. Bakit kaya? Dahil siguro kasama namin sa loob ng session hall ay mga nursing students from St. Mary at sila yung tinutukoy ni Sir Al na mga observers. Maya-maya bigla na akong tinawag ni Sir at sinabi yung about sa 'photoshoot' with Doc Randy at kailangan naming maglunch ng maaga. Yeh. Yun pala kasi yung purpose ng formal attire, hehe. Mayroon daw kasing book na gagawin si Doc Randy at kailangan niya ng models. Oh diba, sa hindi inaasahang pagkakataon aakalain mo bang magiging modelo kami. Love it!



Sa totoo lang maraming nangyari sa araw na ito, gaya ng pictorial with Doc Bolet sa morning at kay Doc Randy in the afternoon naman ayee. ;)


 

Photoshoot with the Doctors: 



 



Practicumers from NEU and PUP with Doc Bolet and her cute dogs. ;p

 



(Left to Right): Mary, Daisy, Nadz, Dana, Rio, Doc Randy, Bethel, Laura and Haha

 

*Nagstart ang pictorial, around 1pm na siguro. Sabi ni Doc kailangan syempre mukhang natural yung photos, so may itinuro siyang low energy, Relaxation Technique. I will not forget this opportunity. At sabi pa ni Doc Randy na pag may time daw he will have a group session with us. We are really looking forward na dumating yung araw na iyon. :)


 

***************************************************

Graduation Day of Kuya N.



After that photoshoot, (this might open showbiz opportunities for us. Hehe), nagstart na kami ng aming presentation, 'Start of Something New', song from High School Musical OST. Very relevant ito sa event na magaganap dahil it tells something about the 'New Life' or 'New Beginning'. And Kuya N. and his family, after his stay here in LCRC will start his Life again. And sana nga he will be able to get into the right track again. Mabilisan ang mga pangyayari sa hapong iyon, practice ng mga residents, changed the backdrop, and preparation for the program. Kinausap kami ng aming practicum supervisor about the program at tinanong niya ang tungkol sa mga mangyayari at kung nakausap na ba yung mga taong involved doon. We thought everything was already prepared but we forgot to communicate sa mga taong may special part sa graduation. So because of what happened napagtanto namin na kahit ang pinakamaliit na detalye ay hindi dapat kalimutan. And when someone gave you a liability or accountability for something, that person trusts you because s/he knew that you can do that task.



Espesyal ang araw na ito para sa isang resident na si Kuya N. Surprise nga ito para sa kanya eh. Actually, ang program lang sa LCRC na mayroon Graduation day ay yung mga Drug Patients pero pag Psychiatric daw walang graduation program.

Anyways, I'm glad na I was able to attend this kind of activity dito sa LCRC sabi nga ni Mam Agnes matagal na rin daw silang walang graduate na resident at ngayon nga lang daw uli kay Kuya N. Masasabi kong lahat ng stressed na inabot namin para sa preparation ng program was all worth it! Very emotional ang evening na iyon, hindi lang pamilya ni K.N, hindi lang ang mga residents, kundi lahat ng nasa loob ng session hall ay na-touched sa mga pangyayari. Honestly, pinigilan kong umiyak dahil kapag umiyak ako iyak talaga. Almost first part pa lang ng program yung AVP na pinaghandaan namin was very touching na, lalo pa nang magsalita yung family ni K.N., at ng nakita ko rin siyang almost teary-eyed na. Sir Al also gave a very meaningful message , yung mga challenges na hinarap niya during his stay as the porgram officer of LCRC, at first time naming makita si Sir na emotional.
 

Iba talaga yung atmosphere sa loob ng session hall, sabi nga eh very euphoric daw. Na-inspire ako sa mga napakinggan kong mensahe mula sa pamilya ni k.N, sa kanyang mag co-residents, kay K.N, kay Mam Agnes, kay Sir Al. At siguro one thing that I learned fro this event, everyone deserves a second chance. And K.N., made some mistakes in his life, yet his stay here in LCRC become his second chance- to change his old ways, start anew, and become a better and stronger person. Hopefully, lahat ng mga natutunan niya sa Life Change ay magamit niya sa pagbabagong buhay niya.



Truly, what is happening to us is planned by GOD. At kung anuman yung mga bagay na iyon whether good or bad man, we will still end up

realizing that 'It made sense". ;)

 
 


 


 


 


 


 

:Saling-Pusa:


Day 14 at Life Change Recovery Center: "Finding Meaning in Life"


Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.  For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com



Day 14 at Life Change Recovery Center: "It's Gonna Make Sense"
Ika- 25 ng Enero 2010 (Lunes)



*Well.. Hindi maganda ang gising ko ngayong araw na ito dahil napuyat ako kagabi sa pag-iisip sa mga naganap sa akin sa mga nakalipas na araw, sa mga taong kinainisan ko dahil tila ayaw nilang tanggapin na even sila ay ka-share mo sa duty and responsibilities. At na-realized ko din na minsan ang isang responsibilidad pala ay nagiging burden na pala sa taong responsible lalo na kung may mga tao ka namang kasama at masyadong nakadepende sa'yo. Hayyy.. :(


Anyways, ang theme for this week: "Finding Meaning in Life". Kapag sinabing Finding Meaning in Life ang unang pumasok sa isip ko ay ang salitang PURPOSE, pagtuklas mo sa kung ano ba ang reason kung bakit ka nabubuhay dito sa mudo o maaari rin namang ito ay tungkol sa pag-alam mo sa kung ano ba ang mga bagay o ano ang motivations mo para magpatuloy sa buhay. At sabi nga, 'Anyone who has a WHY, can live with any HOW". :)


At bago kami pumasok sa session hall, our practicum supervisor met us first at sinabi niya yung tungkol sa updates ng blogs, yung mga bagay na gagawin this morning at yung tungkol sa mga nursing students from St. Mary na mag-oobserve sa mga residents ng LCRC. After that, nagready na kami ng mga gagawin naming activities para sa AM session at yung design ng stage .


Our energizer was facilitated by Daisy. Sa energizer, nakabilog ang mga residents including us practicumers. Kapag sinabing 'Heads Down' nakayuko muna lahat, tapos pag 'Heads UP' na kailangang tumingin sa mata ng isa sa mga participants at kung may naka-eye contact ka you have to scream as loud as you can. At first akala ko magiging boring yung activity but noong naglalaro na kami lahat naman naki-pagparticipate. Nag-scream naman lahat but parang hindi pa din naging enough yun para ma-energize sila. So, during our main activity yung CLAY parang nakapag-set kami ng mood na seryoso. This was facilitated by Laura and the first part of this activity ay yung gagawa sila ng 'masterpiece' nila out of that clay. Syempre siguro akala nila ganoon lang iyon, so ang mga residents put their efforts sa ginawa nilang masterpiece. Nakita ko yung gawa ni R., maganda yung pagkakagawa niya at yun daw ay isang bahay. Si R. ay tahimik lang at hindi nagsasalita pero nang makita ko yung gawa niya masasabi kong artistic din pala siya. May isang resident si G. while doing her masterpiece na-observed ko na may diin at parang may pressure doon sa pagmomold niya sa clay. At habang ginagawa niya iyon, nakita ko kung paanong nag-iba yung facial expression niya, parang naiiyak siya habang gumagawa at sabi pa nga ng co-practicumer ko, binato daw ni G. yung isang piraso ng clay na hawak niya. Si G. pa naman ay isa sa mga resident na hindi masayadong talkative at ni hindi nag-eexpress ng feelings niya, marahil may something sa activity at may naalala siya kaya ganoon ang naging reaction niya.


After matapos ang lahat sa kanilang masterpiece at maka-pagpapicture, Laura asked them to place their works sa table at sinira iyon isa-isa. Naging tahimik silang lahat at iba-iba ang naging reaction nila, may nagalit, may nalungkot, at yung iba NR o no reaction. Si Ate M. suddenly asked Laura kung bakit daw iyon sinisira. Yung iba naman ng tanungin kung bakit wala silang reaction para sa kanila daw ay okay lang daw.


Habang si Laura ay nag-pa-process, at sinabi niya na God created us perfectly and intricately and yung clay symbolizes us HUMANS na minsan hindi natin napapahalagahan ang ating mga sarili kaya dumadating sa puntong we destroy ourselves at pinapabayaan natin ang ating mga sarili. Si God daw ay nalulungkot para sa atin. Habang nagsasalita si Lau, biglang nagtanong si Kuya M. sabi niya, "PAANO MO NALAMAN IYON, DIYOS KA BA?", words to that effect. Nagulat ako sa tanong niyang iyon dahil kung tutuusin hindi ko ini-expect na makakapagtanong siya ng ganoon. Valid question naman yung sinabi ni Kuya M. and Laura answered it naman.


In general, I liked this activity dahil for me its very meaningful and insightful. Yung nais iparating ng activity na ito ay perfect for our theme this week. :)


After ng Am session, Sir Al talked to us about how the activities were facilitated lalo na ang main activity namin. He gave us constructive criticisms naman, ang sabi niya na mostly ang facilitator ang nagsasalita. Dapat daw ang insights o inputs ay galing sa mga residents. At ang tanging role lang ng facilitator ay i-summarize at i-integrate ang mga answers na galing sa kanila. Tama. And sa aking palagay, maraming-maraming experiences at exposure pa sa facilitating ang kinakailangan upang maging magaling sa ganitong field. :)


Tapos ang song for the week namin ay "It's Gonna Make Sense' ng Michael Learns to Rock. Ganda ng kantang ito at yung mga maliliit na bagay na hindi natin napapansin 'It's Gonna Make Sense' sa future natin. Right?


 

Lyrics:


Life comes in many shapes

You think you know what you got

Untill it changes
 

And life will take you high and low

You gotta learn how to walk

And then which way to go
Every choice you make

When you're lost

Every step you take

Has it's cause

Chorus:

After you clear your eyes

You'll see the light

Somewhere in the darkness

After the rain has gone

You'll feel the sun comes

And though it seems your sorrow never ends

Someday it's gonna make sense
Tears you she'd are all the same

When you laughed 'till you cried

Or broken down in pain

All the hours you have spent in the past

Worrying about

A thing that didn't last   
Everything you saw

Played a part

In everything you are

In your heart

Chorus:

After you clear your eyes

You'll see the light

Somewhere in the darkness

After the rain has gone

You'll feel the sun comes

And though it seems your sorrow never ends

Someday it's gonna make sense

Release:

Someday you're gonna find the answers

To all the things you've become and all they've done

At your expence

Someday it's gonna make sense


Saturday, January 23, 2010

:Saling-Pusa:

Day 07 at Life Change Recovery Center: 'Creating Authentic and Caring Relationships'

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Ika-04 ng Enero 2010 (Lunes) "Love thy neighbor as thyself"


Ito ang simula ng bagong theme para sa mga residents. At ang theme para sa linggong ito ay 'Creating Authentic and Caring Relationships'. Sa umagang ito, bago kami sumabak sa pag-fafacilitate ng mga SLE's ay nagkaroon muna kami ng discussion kung ano ang mga magiging activities sa umaga at sa hapong iyon. Nagkaroon kami ng deliberation at nag-share ng aming mga ginawang SLE's para sa linggong iyon. Sa morning session, ako, si Calla at si Rio ang pumasok sa Session Hall para mag-facilitate ng activities. But, before the activity nagkaroon muna ng ice breaker si Sir for the residents. Ang objective ng activity para sa umagang iyon ay ang pagiging totoo sa ating mga sarili upang magkaroon din ng isang authentic na relasyon sa ating kapwa.

Sa pagsisimula, hinati muna sila sa 3 grupo at bawat grupo ay may assigned practicumer na siyang taga-pagpadaloy ng usapan. Bawat grupo ay mayroong paso na naglalaman ng mga salita. Kinakailangan nilang bumunot at magbahagi ng kanilang mga karanasan na related sa nabunot nilang salita.

Ang aking mga naging kagrupong residents ay sina A., C., L., M., E., and R. Para sa akin, masaya ako na nabigyan ng pagkakataong marinig ang ilan sa mga kwento ng buhay nila. Maaring hindi ganoon kalalim ang usapan at puro pahapyaw lamang tungkol sa kanilang mga pamilya at sa kanilang mga sarili sa aking palagay, ang pagbabahaging ito ay isang paraan upang maging totoo ka sa iyong sarili at sa iyong kapwa.

Maganda ang activity na ito dahil ito yung mga pagkakataong makikilala mo ang mga tao batay sa kung ano ang ibinabahagi niya tungkol sa sarili niya. Sabi nga 'Just be yourself' at kung totoo ka sa iyong sarili at pinahahalagahan mo ang iyong sarili then you'll be winning authentic and caring relationships.

Sa afternoon naman,

Adminwork kaming tatlo, naglinis kami ng storage area ni Calla at si Rio ay naging 'fax lady'. Hehe.

Nakakapagod maglinis dahil madami ng kalat sa storage area and at the same time masaya kasi naayos at naorganize namin ito.

Nakakatuwang makita yung end-result ng pinaghirapan niyo. Congratulations to us Calla, yehey! :)






:Saling-Pusa:

Day 06 at Life Change Recovery Center: 'Man's only need is to be accepted'

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Ika-02 ng Enero 2010 (Sabado)

Bagong Taon na! And I'm looking forward that this year would be full of blessings, good health and good wealth for my family, friends, mga taong espesyal sa akin at sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Sana rin sa taong ito ay makarecover ang ating bansa sa kung anuman ang mga naganap sa nakalipas na bagyo at mga sakuna. Ika nga eh, kailangan matuto tayo mula sa mga pagkakamali natin. Tama. Tama. Kaya kailangan natin magmove-on gumalaw-galaw .kumilos .


At matapos ang ilang araw na bakasyon, ngayong araw na ito nagduty uli ako. Wala akong ideya kung ano ang mga gagawin sa araw na ito dahil wala ako nung year-end program. Buti na lang nag-duty rin sila Haha, Rio, Calla, and Dana pati sina Gayle and Lala. Kahit wala si Sir Al nung araw na iyon may mga activities pa ring naihanda para sa mga residents. Noong umaga ay nag- aerobics sila, subalit video instruction lamang iyon. Medyo boring nga kahit pa sabihing exercise yun eh. Napansin ko kasing alam na ng mga residents yung kasunod na steps dun sa video, so yung iba sa kanila ay inuunahan na yung steps ng aerobics.

Ewan ko, pero para sa akin kasi iba pa rin kung may nag-iinstruct talaga eh. Gaya nung Jai-ho ni Gayle. All ears and all eyes yung attention nila nung mga panahong iyon. At mas makikita mo na talagang nag-paparticipate sila. Overall, yung aerobics naman sa umaga ay mabuti rin para sa mga residents , at least nabawasan na sila ng ilang calories.Oppss.. Mayroon palang bagong resident si Kuya R. tapos nakabalik na din yung ibang residents na nagbakasyon.

Sa afternoon session naman, supposedly 5 People you meet in Heaven yung papanoorin nila kaso dahil mahina yung audio ng film pinalitan na lang ng MATILDA. Matagal ko ng napanood itong movie na ito, bata pa ako at ngayon ko lang uli ito napanood. Basta si Matilda ay batang inampon ng isang pamilya. Ang kaso yung pamilyang napuntahan naman niya ay pinapabayaan din siya at iba ang hilig o gusto sa buhay. Si Matilda kasi ay isang batang mataas yung IQ at may special ability. At the age of 4 , nakakabasa na siya at halos lahat na ng aklat sa library ay nabasa na niya. Nang handa na siyang pumasok sa eskwelahanay hindi siya pinayagan ng kanyang magulang dahil hindi nila priority ang edukasyon. Hanggang sa isang araw ay bigla na lang siyang pinayagan ng mga ito. Sa eskwelahan, masaya at mahirap din ang mga karanasan ni Matilda. Sa unang araw niya sa school ay nakita niya agad ang pagmamalupit ng kanilang principal kaya lahat ng mga estudyante ay takot sa kanya. Pero mabuti na lang yung teacher ni Matilda ay mabait sa kanya at ito ang nakatuklas sa kakaibang talino at pagiging unique ni Matilda. Despite Matilda's feeling of indifference from her family, she felt appreciated when she met her school teacher. Nagkaroon siya ng pamilya. At hindi rin naglaon ay pinampon siya sa kanyang guro.

This movie showed that we need a family that will not accept us for who we are but also appreciate us for who we are. What I mean is, ang pamilya Oo nga't tanggap nila tayo sa pagiging tayo pero minsan hindi naman, hindi nila maappreciate yung pagiging iba mo bilang isang tao. Kaya tuloy ang nangyayari nagkakaroon ng clash ang nanay at anak o tatay at anak.Pero at the end of the day, sila pa din naman ang pamilya mo. At sabi nga di ba, 'Man's only need is to be accepted'

;p


:Saling-Pusa:

Day 03 at Life Change Recovery Center: Baka ng Baka


Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Ika-21 ng Disyembre 2009 (Lunes)


Lunes, unang araw na kami ang naghanda ng mga activities para sa mga residents. Araw din na nameet namin muli ang ibang students from New Era Univ. na sina Elaine, Rene at Jean, samantalang mga bagong kakilala mula sa UST na sina Lala and Gayle. Bilang mga paghahanda sa mga activities, hinati kami sa dalawang grupo: Morning at Afternoon Session. Ako, ay napunta sa afternoon session. Dahil ito ang aking unang beses na magfafacilitate para sa mga residente ng LCRC may fear at hesitations if I can do it. But of course, siguro ganun talaga kapag una, hindi pa din namin masyadong nakakasalamuha ang mga residents at kumbaga we still have to break the ice at magbuild ng rapport sa kanila.


The morning session was great, using paper, yung activity facilitated by Lala. And in the afternoon, I'm one who facilitated the energizer called: Baka ng Baka. Ang kulit ni Kuya A. , ang hyper niya that afternoon. In fairness to the residents they were all cooperative and participative throughout the session. When you asked them, they were giving good points and good answers.

After the afternoon session, Sir Al gave us feedbacks, and overall our first day was okay. Yun nga lang daw with regards to treating the residents may tendency na ituring silang parang bata which is hindi dapat because adults na sila. And, some residents can give answers up to emotional level and expect na may mga magbiibigay up to that kind of answers while others naman can give up to cognitive level only.

Mayroon pa lang bagong resident si K. I'm looking forward to know the residents and ma-memorize ko name nila dahil napapagpalit ko pangalan nila, halos nagiging magkamukha na kasi sila eh. ;p

Live. Laugh. Smile . Hug.


:Saling-Pusa:

Day 02 at Life Change Recovery Center : Liwanag ng Pasko

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Ika-18 ng Disyembre 2009 (Friday)

Makulimlim ang hapong iyon tila nagbabadya ng malakas na ulan.Buti na lang habang nasa biyahe kami ay ambon-ambon lang. Nakarating kami sa LCRC mga 4pm. Excited para sa Christmas party. Hehe. :)

Dumating kami sa LCRC, ready to perform na. hehehe. (joke :P), Paano kasi we were wearing our violet/ purple blouses, yun nga lang hindi ito shining and shimmering tulad ng napagusapan. Busy na ang mga staff at students bilang paghahanda sa nasabing program. May mga residents na bumalik tulad ni S., at ang pamilya din ng mga residents ay nandoon upang manood sa presentations nila.

It's nice to see na dumating ang kanilang mga pamilya lalo na ngayong nalalapit ang Pasko. At naroroon sila bilang suporta sa kanilang performance. Kaya naman dahil sa kagustuhang mapaganda ang presentation ng mga residents ay ilang beses silang nagpractice, at nagsimula na rin ang programa mga 7:30 ng gabi.

Hayy.. Paskong-pasko na nga. Nafeel ko ang Christmas Spirit habang ginagawa ang Panuluyan. This reminded me that Christmas is for Jesus and masarap talaga kapag kasama mo ang pamilya mo tuwing Pasko.

Matapos ng panuluyan, nagperform ang mga residents, kumanta sila with choreography ng 'Seasons of love' , 'Joyful, Joyful' at 'Christmas in our Hearts'. Makikita mo na nagpamalas sila ng kooperasyon , talento sa pag-awit at pagsayaw.

Sana na-appreciate ito ng mga bumisitang pamilya na nandoon nung araw na iyon.

Nasundan ito ng mga presentations from UST, PUP and MCU students. Woww.. Medyo pinaghandaan namin ang aming sayaw, 'Jingle Bell Rock'. Hehehe. Dahil sa sinayaw na namin siya sa seminar namin nung miyerkules hindi kami gaanong nakapagpractice. And as far as I can remember madami akong steps na mali. Pero okay lang,, naenjoy ko naman ang pagsayaw. ;p

Bibong-bibo din ang mga staff dahil sumayaw sila ng Jabbawockeez. Ang galing pala sumayaw ng nurses ng LCRCeh. Hehe. In fairness, palagi nilang pinaghahandaan ang kanilang mga performance.

At para sa akin, ang pinakahighlight ng programa ay yung kainan. ;p hehehe. (Joke).ang pinakahighlight talaga ay ang pagkanta ng lahat ng 'Star ng Pasko' sa huling part ng program. Ang ganda talaga ng kantang iyon. Madaling tandaan ang mga lyrics at maganda rin ang mensahe. "Ang Panginoon ang magsisilbing gabay at ilaw natin sa lahat ng madilim na pagsubok na pinagdaanan o pagdadaanan natin sa ating buhay. " Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa dahil, "Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro, Dahil ikaw Bro,Ang star ng pasko!"


Tayo ang ilaw sa madilim na daan

Pagkakapit bisig ngayon higpitan

Dumaan man sa malakas na alon

Lahat tayo's makakaahon

Ang nagsindi nitong ilaw

Walang iba kundi ikaw

Salamat sa liwanag mo

Muling magkakakulay ang pasko

Salamat sa liwanag mo

Muling magkakakulay ang pasko



:Saling-Pusa:

Day 01 at Life Change Recovery Center : Tabula Rasa

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


Noong bata pa ako may mga pagkakataong ako'y naging isang 'saling-pusa' o 'saling-kit' sa mga larong gaya ng tagu-taguan o langit lupa. Kahit na saling-pusa lang ako masaya at masarap din naman sa pakiramdam ang makasali at makalaro ang iyong mga kaibigan sa mga larong pambatang iyon. At tulad din ng isang saling-pusa sa isang laro, sa kasalukuyan, ako ay tila naging isang 'saling-pusa' na naman. Paano??Uhmm... Dahil ako ay biglang naging isang 'guest practicumer' dito sa LCRC. (Salamat kay Sir Al dahil madalas niya akong tawaging guest practicumer. hehehe. =) ) At kung bakit naman pala ako naging isang guest practicumer? Uhmm.. Next time na lang. Mahabang kwento. Sa susunod I'll share it with you. Madrama at roller coaster of emotions ang involved dun. Hahaha. =)

**Napapahaba na yata ang kwento ko tungkol sa pagiging saling-pusa ko dito sa LCRC ah.. Teka, sisimulan ko na nga ang unang araw ko dito.


Ika-17 ng Disyembre 2009. (Thursday)

Ito ang pormal na pagsisimula namin bilang practicumer dito sa Life Change. Maganda ang gising ko noong araw na iyon, walang kahit na anong bumabagabag sa aking isipan. Wala akong ideya kung ano ang pwedeng mangyari sa araw na iyon, ika nga eh, 'Tabula Rasa'. Umalis ako sa bahay namin 7:45 am. At dahil naging masyado akong relax,feeling ko eh wala pa ang iba kong mga classmate, na- late ako ng 15 minutes. (Buti na lang wala pa si Sir Al nun.hehe. =))

At habang nandoon kami sa garden at naghihintay ay ginagawa na rin namin yung mga Christmas decorations na ipinagawa ni Sir. So, kami naman nandoon lang, talking while working, naabutan namin ang mga residents na nag-OutDoor Activity. Though, we were not yet formally introduced to them, masasabi kong ito ang aking First Formal Interaction sa kanila. Nakita ko si Kuya Q. (para nga siyang Amboy dahil ang tangkad niya at ang puti pa) na magbasketball, si G.(the young lady), Ate Sh., Ate L., Ate A., at Kuya M. na naglalaro ng badminton.

Matapos ang ilang minuto, lumapit si Ate Sh. sa amin, tinanong kung ano ang aming ginagawa. Sinabi namin na ito'y mga Christmas Decorations at itinuro ito sa kanya nina Rio at Mary. Ilang saglit pa, lumapit si Ate. A at Ate L.. Nagpaturo si Ate A. at sinubukan niyang gawin ito, samantalang si Ate L. hindi na sinubukan pang gawin ang Christmas Décor na iyon.


Nakakatuwa na kahit paano ay nakausap namin ang mga residents ng LCRC sa loob ng ilang minuto. Maaaring dahil sa bago pa lang kami ay hindi pa din naman namin sila nakikilala at nakikita ang kani-kaniyang mga katangian at ganun din naman sila.

Matapos ang encounter with the residents, we were able to meet students from other schools. Nandun sila, Mansuari and Marion from New Era Univ., at sina Maron, and Marian of Manila Central Univ. Sila ang mga naging kasama namin sa maghapon para sa paghahanda sa Christmas Party sa LCRC. Nakakapagod ang buong araw namin, but it was fun. Dahil bago kami sumabak sa matinding gawin (hehe. ;p), sinimulan ang araw na ito ng isang worship service para sa mga residents at join ang lahat ng practicumers. Nagbigay si Pastor Paul ng kanyang spiritual messages. Kumanta din kami ng worship songs bilang pagpapasalamat at pagpupuri na rin sa Panginoon. A good day to start hindi ba?

Matapos ang activity na iyon, go, go, go na for preparations. Tulong-tulong. At presto: isang Bonggang-bonggang shining, shimmering, splendid na mga letters at mga stars na ikinabit sa stage at sa wall ng Session hall. Tamang-tama lang para sa tema: 'Liwanag ng Pasko'. Pero, hindi lang iyon ang natapos namin ng araw na iyon ha? May cute na Christmas tree made by Mary Rose. Color pink and violet ang kulay nito. Oh diba? Ready na talaga for the Christmas Party.

Syempre, nakakexcite din ang program na inihanda nila Marion. Magpeperform ang mga students, staff, at ang mga residents. Sigurado, lahat ng ito panalo! :) Kaya kahit nakakapagod ang araw na ito, its all worth it. :)


Thank you, God, for giving me life.

Thank God I can see.
Thank God I can use my hands and feet.

Thank God I can think.

Thank God for this wonderful day. ;)













:Saling-Pusa:

Day 13 at Life Change Recovery Center: "Creating Joy and Happiness in Life"


Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com


"A day with a Bang!"

Ika- 20 ng Enero 2010 (Miyerkules)


Again, we started this day with a bang! Why? Dahil nabengga kami ng aming practicum supervisor. Na-noticed niya na parating may na-lalate sa amin. Kahit kasalanan ng isang damay na din lahat. At dahil doon 8 hours deduction ang nabawas sa oras namin. I thinked it's a lesson for us to keep in mind na kailangan talaga naming maging responsible in our actions and from that naisip ko na kapag sa real-work setting na talaga, kailangan maging professional kami. Hindi naman pwedeng maging pa-VIP or ang oras ang mag-aadjust sa amin.

Actually, para sa akin okay lang naman iyon, dahil, before pa kami imeet ni Sir, we were talking about Daisy's habitual tardiness. Hindi naman sa I'm blaming her for that 8hrs deduction, pero beforehand kasi, nagtataka din kami kung bakit laging late si Daisy at gusto rin namin siyang matutong pumasok ng maaga. Dahil kahit sa school especially during our Physics class parati siyang na-lalate. So, sa aking palagay, ito'y maging isang wake-up call para kay Daisy na pumasok ng maaga. Its very obvious na hindi nagustuhan ni Daisy ang mga pangyayaring ito. Bukod doon nalaman namin, na ang mga residents ay nabigyan ng sanction, dahil sa pag-hohoard ng medicine at pagkain, hindi sila pwedeng manood ng t.v, at wala rin silang outdoor activity. +

Syempre, despite what happened life must go on. Hindi pwedeng maging malungkot ang umagang ito dahil kailangan pang magpractice ng mga residents ng kanilang sayaw para sa culminating activity. Ang songs nila ay "Shout for JOY" at "Happy".

They were divided into two groups, Group 1 - K., Ate m., kuya A., K. E., Ate L.,) at Group 2 - Kuya M., Kuya., N., G., Ate S., C., Kuya J.)

Ang instruction sa amin ay let them create their own steps, kami as facilitator can give only suggestions. Nandoon pala si Kuya M., at R., dating residents na nag-vovolunteer sa LCRC. During the alloted time for group 1's practice, hindi namin sila tinuruan ng mga steps nila. At maganda naman na ganoon yung nangyari, makikita mo kung sino yung may talent sa dancing at mapapansin mo na may lumalabas na leader at follower. Si K. at si Ate M. ang madalas na naglelead sa group 1, si Kuya A. as usual, makulit at wacky talaga. Sa group 1, I observed na each of them suggests and gives steps, reactions or comments nila. Naguusap talaga sila. Tulad ni Kuya E. sabi niya kay k. kung pwede daw bang ulitin yung isang step nila kasi nalilito siya. So, pinaulit nila yung music at itinuro uli ni K.

Sa Group 2 naman, napansin ko na si kuya N., yung leader nila. Pagpasok nila sa hall organize agad sila, nakapila sila tapos sa harap agad si Kuya N. Whatever moves he do, ginagaya ng mga groupmates niya. Wala man lang nag-opposed or nagtatanong or nagsa-suggest ng moves. Napansin ko pala si G. ay tawa ng tawa, hindi ko nga alam kung ano ang pinagtatawanan niya basta during the practice ganoon lang yung reaction niya. Anyway, marami silang steps na nagawa at sakto lang sa music nilang Happy.

Overall, their practice was good and more practice pa at more steps for Group 1. I know they can do it.


Shout for Joy!

Let me hear you Shout!!

STANZA I

How do I begin to tell you 'bout this friend

Who's like no other

Ever since the day He walked into my life

He's been more than a brother

And everyday and every minute

There's a shower of love I feel

Something I used to just imagine

I tell you know it's all for real.

That's why I


CHORUS

Shout for joy

Sing His praises

Lift my voice unto the Lord

Shout for joy

Sing His praises

Lift my voice unto the Lord


STANZA II

Now in case you've forgotten

It's a free gift you know

It's been an open invitation

For every man or woman, every boy or girl

People from every nation

Looking up unto the heavens

Praising God for what he's done

Wooo

I can hear the chorus singing

Singing in their own native tongue

You gotta

CHORUS II

Shout for joy

Sing His praises

Lift your voice unto the Lord

Shout for joy

(You gotta) Tell him all about it

Lift your voice and let Him know

Shout for joy

Sing His praises

Lift your voice unto the Lord

Shout for joy

Tell him all about it

Lift your voice and let Him know


REFRAIN

(There He is by the door of your heart)

(Open up and make a brand new start)

Like He said, when you seek you shall find Him

(Think again if you wanna refuse)

(Everything to gain and nothing to lose)

I believe you know just what I mean


RAP


Hey, It's the truth, I'm telling you it's real

It's something I believe the world should feel

I think we know, we know all the facts

There's only One who wanna to put us back

On the right track-


Happy by Alexa


You know what I'm saying?

Happy

It's so nice to be happy

Everybody should be happy

It's so nice to be happy


Happy

It's so nice to be happy

It's so nice to be happy

It's so nice to be happy


I wanna take you to my world to be happy

`Cause I can't live without your love

Yes you know


I've never needed anyone to be happy

But thats the way that things go wrong

Yes you know


I was afraid to open my eyes

Don't even know how many tears that I've cried

Now that I've found the love of my life

I don't get down down down down down


Happy

It's so nice to be happy

Everybody should be happy

It's so nice to be happy


I've never been in love before and I'm happy

`Cause you're the one I'm looking for

Yes you know


You bring the sunshine into my life

Your lips are burning and the feeling is right

I can't believe It's true that you're mine

Don't let me down down down down down


Happy

It's so nice to be happy

Everybody should be happy

It's so nice to be happy


I just pray

You'll never run away

Can't wait another day

To hold you tight

To hold you tight


Happy

It's so nice to be happy

Everybody should be happy

It's so nice to be happy


Happy

It's so nice to be happy

It's so nice to be happy

It's so nice to be happy







:Saling-Pusa:

Day 12 at Life Change Recovery Center: "Creating Joy and Happiness in Life"

 
 

 
 

Founded by Dr. Randy Dellosa, Life Change Recovery Center (LCRC) is a psychiatric facility and rehabilitation center for people suffering from schizophrenia, depression, addiction, and other unmanageable behavior's. it is located at #105 Scout Rallos Street Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City.

 
 

 
 

For further information about LCRC, you may contact 415- 7964 or 415- 6529. you may visit www.randydellosa.com

 
 

 
 

Day 12 at Life Change Recovery Center: "Creating Joy and Happiness in Life"

Ika- 18 ng Enero 2010 (Lunes)

 
 

Sabi nga sa commercial, Tomorrow is another day, pero para sa akin, TODAY is another day. yeh. ;P

Another day to look forward to. Kahit na saling-pusa ako sa aking mga repafips dito sa LCRC, I'm enjoying it and for me, I am given the opportunity to apply the lessons we learned from our subjects and at the same time iniisip ko na ito ay isang paraan upang makakatulong sa akin at sa aking mga kamag-aral na mag-grow at ma-develop pa ang skills bilang isang future Psychologist.

 
 

Maaring may mga nagtatanong o nagtataka kung bakit naging 'part-time practicumer' ako dito sa LCRC, dahil kasi yun sa practicum professor namin. Biglang nagkaroon ng problema, naipit ako between may responsibility as our class officer at sa bagay na mas gusto ko talagang gawin. Hindi kasi mapipirmahan yung endorsement letters ng klase namin kung walang 4 na taong magiging secretary niya, at isa ako sa mga maswerteng napili. Honestly, labag talaga yun sa kalooban ko. Iniyakan ko pa nga yun noong malaman ko iyon eh, tapos nakapagtaray pa ako kina Haha, Rio, Dana, at sa mga fips ko, sila ang napagbuntunan ko ng araw na iyon. Roller coaster of emotions yun. Para ma-overcome ko iyon, ano bang ginawa ko?? Uhmm.. nagisip na lang ako ng mga positibong bagay na maaring maidulot sa akin ng pangyayaring iyon. Alam kong God has plans for me. At inisip ko na lang na baka challenge yun sa akin, on how to deal with difficult people? O baka a lesson about decision-making? Ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano talagang purpose ng pangyayaring iyon. Hayy.. siguro ganoon talaga ang life, full of surprises, magugulat ka na lang isang araw, eh bigla ka na lang palang mahaharap sa isang sitwasyong hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. But syempre, pinagnilayan ko din ang mga kaganapang iyon, at dahil sa may pagkamatigas din ang ulo ko, at para sa akin kasi, walang pwedeng pumigil sa'yo kung gusto mo talagang gawin yung mga bagay na sa tingin mo eh makakabuti naman sa'yo upang matuto at ma-grow as a person, eh naisip ko na I can do both - Doing my responsibility and at the same time I'm doing what I want to do. Wala naman sigurong masama doon?

 
 

Teka, tama na muna ang kwentong saling-pusa. Para na kasing pang-MMK yung kwento ko. Hahaha. Basta naibahagi ko na yung story behind that. Marami pa kasing follow-up stories dun eh baka maging nobela pa. :)

 
 

Back to my experiences dito sa LCRC. Monday, start of this week's theme, "Creating Bethel Joy and Happiness in Life" este "Creating Joy and Happiness in Life" pala. :p At dahil yan ang theme ngayong linggong ito, napagusapan naming mga practicumers na kailangan ipakita din namin na energetic, alive, and happy kami. Kailangan mag-set kami ng mood na ganoon para tuloy-tuloy na maganda ang week na ito para sa residents. Sabi nga what you think, you also attracts. At kung more energy mas HAPPY! :)

 
 

Bago kami pumasok sa session hall, our practicum supervisor set a meeting with us. He reminded us about simple things/ rules na nakakalimutan namin, gaya ng pagsusuot ng name tag, pagsusuot ng uniform or white shirt, and yung pagiging late, updates ng blog, etc. Tinanong niya din yung tungkol sa hatian ng grupo, kung sino yung in-charged sa morning and afternoon session. None of us replied dahil nagkagulo kung sino nga yung pang-am and pm session. Dahil doon Sir Al gave us a 10 hour deduction. Para sa akin nakakalungkot na mabawasan ng 10 hours, dahil konti na nga lang yung days na nagstay ako dito nabawasan pa. Tsk. Tsk. Eh siguro ganoon talaga, sometimes kailangan pa naming maparusahan o mabigyan ng punishment para ma-realize na we are responsible for the things we do. On the lighter note naman, dahil ang theme nga ay Creating Joy and Happines in Life si Bethel Joy a.k.a Bude ang leader for the week namin. So after that meeting with our supervisor we started to planned about the activities for this morning.

 
 

Nang pumasok kami sa session hall, napansin ko na kulang yung mga resident naka out on pass siguro tapos nameet ko din si K. yung bagong resident. Nagsimula kami sa pagpapakanta sa kanila ng 'KUNG AKO AY MASAYA'. Pagkatapos kumanta ay nagkaroon ng konting story sharing si Bethel na related sa theme. At ito yung kwento:

 
 

"One day a blind boy was seating and waiting for someone to drop a coin so he can buy food. He had a blackboard beside him written, "I'm blind, please feel pity." Suddenly, a man approached him, dropped a coin and erased what was written on the board. The boy realized it but ignored it. Later, he heard a lot of coins were being dropped in his can. After an hour, the man came back and asks how he was doing. The boy replied, "My can is full of coins, what did you write on my board?". The man read it and said, "Today is a beautiful day, but I can't see it".

 
 

Maganda yung nais ipahiwatig ng story,
about sa pag-appreciate ng mga maliliit na bagay sa ating kapaligiran can make us happy. Kung patuloy kang sa negative side lang nakatingin then magiging miserable ang life mo. Choice mo pa din kung paano ka magiging masaya at kung paano mo papahalagahan ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo.

 
 

For our energizer, ay 'HUMAN COMPASS', sa tingin ko nag-enjoy naman yung mga residents. Napagod sila at kami ding practicumers. Hehehe. Kagrupo ko si Kuya E. at si Ate D. at lagi kaming nahuhuli dahil sa likod kami ni Calla eh biglang nagcomment si Kuya E. na lagi daw kasi kaming sa likod at masikip na yung daan. Nakakataw yung comment niya pero may point din naman kasi siya. :)

 
 

After that, ay 2nd activity naman 'MASAYA AKO' na kung saan kinakailangan nilang iportray yung mga scenes na mabubunot nila with the specific emotion given at yung lines na sasabihin lang nila ay "MASAYA AKO". This activity was pure fun and a showcase of the resident's acting ability. Lumabas yung mga bagay na ini-expect ko para sa activity na ito. Nakita ko yung talent at cooperation nila as a group to come up with that specific scene, and in fairness to them mayroong best actor at actress sa kanila. Hehehe. At may mga eksenang nagustuhan ko, una ay yung sa Group 2, yung 'Masaya ako' pero nag-rarally sila at ang emotion involved ay matapang, ang galing nga eh, very precise yung facial expression nila and voice tone para sa eksenang iyon. Mayroon pang isa, yung sa Group 3 na nanood sila ng action movie at excited. Aba, pwedeng actor si Kuya J. ah. Hehehe. Magaling silang lahat.

 
 

The lesson of the game: Sometimes its easier for us to show happiness kaysa ipakita yung totoong feelings/emotions mo. During the processing, I asked the residents the question, "What makes them happy?" One of the resident's answer was: "Family", for Ate L. , "prayer", and for C., "students". It's good to hear those answers from the residents. Ang mga sagot nila ay ilan lamang sa mga paraan o dahilan kung bakit nagiging masaya tayo. And its your choice kung paano ka magiging masaya sa pag-aapreciate ng isang bagay. Sabi nga ni Sir, in his lecturette after that activity, our happiness should come within ourselves.

 
 

And the following are some formulas for being happy:

 
 

  1. Attitude Behavior
  2. Behavior Attitude
  3. Thoughts Feelings Behavior

     
     

    Quote for the week: Happiness never decreases if you are going to share it - Buddha

     
     

    In the afternoon we prepared, "Fox Hunts Squirrel" at "Cat Mouse Trap" . Parang karamihan sa kanila ay medyo bored that afternoon, pero nakita ko si Kuya R. nagparticipate dun sa Fox Hunts Squirrel at mukhang na-enjoy niya ang pagtakbo ah.. Si G. naman ang nanalo sa Cat-Mouse-Trap, dahil siya ang natirang hindi na-trap. After that activities, mayroong discussion tungkol sa paano ka magiging masaya when you achieved your goal. And it should be:

     
     

    S- pecific

    M-easurable

    A-ttainable

    R-ealistic

    T-ime-bound

     
     

    It seemed that the residents know this already lalo na si Kuya A. Tapos ang ginamit na example ay yung goal ni Ate S. na makapagtest ng civil service. They responded well naman, and kung ano ba yung implications nito, 'to achieve happiness one must have suitable goals and suitable means'. Tama. Mas fruitful , mas satisfied ka, mas magiging masaya ka kung ang suitable ang goals at means na ginamit mo.